16/09/2026
Setyembre 16, 2026
LGU CASIGURAN IN ACTION!!
TINGNAN:|| YAKAP CARAVAN AT PUROK KALUSOGAN, ISINAGAWA SA SAN PASCUAL
Isinagawa ngayong September 16, 2026 sa San Pascual Elementary School Covered Court ang YAKAP Caravan at Purok Kalusugan bilang bahagi ng 7K-Kalusugan Program, na naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga barangay.
Ang aktibidad ay pinagsamang inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon at Lokal na Pamahalaan ng Casiguran, upang maihatid nang mas malapit sa mga residente ng Barangay San Pascual ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at iba pang serbisyo ng pamahalaan.
Kabilang sa mga serbisyong isinagawa ang libreng health consultation, dental check-up, YAKAP registration, pamamahagi ng Certified Photocopy ng Certificate of Live Birth, Municipal ID registration, at pamamahagi ng libreng vegetable seedlings sa mga residente.
Pinangunahan ni Mayor EM Hamor ang mensahe para sa mga dumalo, kasama sina Alona Syson, MCR, at Dr. Juann Carlos Caindec, Municipal Health Officer at maging representante ng Provincial Health Office.
Aktibong nakilahok ang mga residente at ang Barangay Local Government Unit ng San Pascual, na sinamantala ang mga serbisyong hatid ng programa.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon at Lokal na Pamahalaan ng Casiguran, patuloy na inilalapit ang serbisyong pangkalusugan at iba pang pangunahing serbisyo sa bawat barangay—para sa mas maagap na pangangalaga sa kalusugan at mas serbisyong ramdam ng bawat residente ng barangay.