04/09/2025
Lumaban ang pambato ng Carranglan na si Jinedd G. Musa mula sa Brgy. Joson sa ginanap na Provincial Search for Exemplary Child 2025 sa Waltermart Cabanatuan kahapon, September 3, 2025.
Samantala, itinanghal na kampeon sa provincial search ngayong taon ang kinatawan mula sa bayan ng Licab.
Mula sa 17 na kalahok mula sa iba't ibang bayan at lungsod ng Nueva Ecija, matagumpay na nakapasok si Jinedd sa final 12. Bilang bahagi ng kaniyang pinamalas na talento, inawit niya ang "Maybe This Time" na umani ng palakpak mula sa mga manonood. Kasama ni Jinedd ang MAT Carrangan na buong pusong sumuporta sa kaniyang laban.