13/03/2026
๐ข๐ธ Paalala para sa Palistahan ๐ธ๐ข
Inaanyayahan po ang lahat ng kababaihan na makiisa sa Breast Examination Campaign na gaganapin sa 18 Marso 2026 (Miyerkules), 1:00 ng hapon, sa Pagamutang Bayan ng Carmona, 252 San Jose St., Carmona, Cavite.
Ang programa ay bahagi ng ating patuloy na pagsusumikap na itaguyod ang kalusugan ng kababaihan sa pamamagitan ng maagang pagsusuri, kasabay ng pagdiriwang ng National Womenโs Month.
Para sa karagdagang impormasyon at palistahan, makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan o tumawag sa (046) 430-3644, at hanapin sina Ms. Ruffa Labita o Ms. Alexis Magdasoc.
๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ง ๐๐ซ๐๐ ๐๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐ข๐ก๐
Kapa-kapa, paano ka ginagawa?
Sa pagdiriwang ng National Womenโs Month sa darating na Marso ay idaraos ng Pagamutang Bayan ng Carmona ang Breast Examination Campaign tuwing Miyerkules sa March 4, 11, 18, 2026 sa nasabing tanggapan simula 1:00 PM. Ito ay sa pangangasiwa ng ating Specialist na si Fe Garcia-Diaz, MD.
Ang naturang health program ay naglalayong ma-promote ang early detection sa mga suliranin sa kalusugan gaya ng breast cancer. Ito ay isinasagawa upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng bawat isa, lalo na ng kababaihan, at upang mahikayat ang maagang pagpapasuri at agarang gamutan para sa mas mabilis at mas epektibong paggaling.
Para sa iba pang impormasyon at mga nagnanais magpalista, tumawag lamang sa (046) 430-1644 at hanapin sina Ms. Ruffa C. Labita o si Ms. Alexis Magdasoc o kaya naman ay mag-sadya mismo sa PBC.