Provincial IPMR Arsenio Ampalid

Provincial IPMR Arsenio Ampalid Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Provincial IPMR Arsenio Ampalid, Government Organization, Kibudtungan, Cotabato, Carmen.

09/06/2026

‎Kasabay ng isinagawang Monday Convocation ngayong ika-8 ng Hunyo 2026, nagpaabot ng kanyang paghanga at pasasalamat si Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza kay Provincial Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) at Ex-Officio Board Member Arsenio M. Ampalid sa natatanging paglilingkod nito sa lalawigan lalo na sa IP community upang maisulong ang kanilang proteksyon at kapakanan.

‎"We need someone as committed as you," ayon pa sa gobernadora kung saan nagpaabot ito ng kanyang pagnanais na pamunuan ni Ampalid ang IP Affairs Division ng Provincial Governor's Office sa pagtatapos ng kanyang termino bilang Provincial IPMR. Ayon sa gobernador, nakatakdang idaos ang isang eleksyon para sa bagong IPMR sa probinsya ngayong darating na Huwebes Hunyo 11, 2026.

‎Ibinahagi rin ng kinatawan ng Indigenous Peoples na karangalan nito ang ipinagkaloob sa kanyang tungkulin na nagbigay sa kanya ng mandato upang opisyal na paglingkuran ang IPs sa lalawigan na nag-iwan sa kanya ng mahahalaga at makabuluhang mga aral sa larangan ng serbisyo publiko. Pinasalamatan din nito si Gov. Taliño-Mendoza sa pagkakataong maging kabahagi ng adbokasiyang Serbisyong Totoo. "Sa ating sama-samang pagkilos, mas maraming buhay ang napaganda at mas maraming pangarap na ang natutupad," pagtatapos ni Ampalid.//idcd-pgo-gonzales/photoby:WSamillano//


💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚TURNOVER CEREMONY OF WOODEN ARMCHAIRS TO IDENTIFIED SCHOOLS     Isa sa mga mapalad na namiling magbigay ...
09/06/2026

💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚
TURNOVER CEREMONY OF WOODEN ARMCHAIRS TO IDENTIFIED SCHOOLS

Isa sa mga mapalad na namiling magbigay ng upoang kahoy/wooden armchairs ang Kibudtungan Central Elementary School. Sa kabila ng lindol Kahapon, June 08,2026. Dumating ang mga Upoan para sa naturang paaralan.

Naroon sa seremonya Sina Bise Gobernadora Ella Taliño Taray, Kasama sina Provincial IPMR Arsenio M. Ampalid at PAC Albert Revira na kapwa representante ni Gobernadora "LALA" TALIÑO-MENDOZA. Naroon din ang mga punong g**o nang ibat ibang paaralang sakop ng Kibudtungan Central Elementary School.


Dumalo si Ex-Officio Board Member Arsenio M. Ampalid sa isang programa. Bilang representante ni Gobernadora EMMYLOU "LAL...
21/05/2026

Dumalo si Ex-Officio Board Member Arsenio M. Ampalid sa isang programa. Bilang representante ni Gobernadora EMMYLOU "LALA" TALIÑO-MENDOZA MNSA,

Upang magbigay ng Mensahe at Suporta sa naturang pag titipon na ang paksa ay,
"Profiling And Assessment Of Indigenous People Farmers "
Ginanap ito ngayong araw May 21,2026. 9:00am
Court, Tumanding, Arakan, Cotabato

💚Medical Dental Outreach Program💚  Miguel Macasarte ,Banisilan, Cotabato May 20,2026
20/05/2026

💚Medical Dental Outreach Program💚

Miguel Macasarte ,Banisilan, Cotabato
May 20,2026


INVESTMENT & MANAGEMENT PLANNING FOR THE ANCESTRAL DOMAIN SUSTAINABLE DEVELOPMENT AND PROTECTION PLAN (ADSDPP) under NCI...
18/05/2026

INVESTMENT & MANAGEMENT PLANNING FOR THE ANCESTRAL DOMAIN SUSTAINABLE DEVELOPMENT AND PROTECTION PLAN (ADSDPP) under NCIP Administrative Order No. 2, series of 2018, The NCIP Cotabato Province Office shall conduct interfacing activity relative to the ADSPP Formulation of the Bagobo Tagabawa Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICC's/IP's) this particular endeavor is in coordination and funded by our good Governor HON. EMMYLOU "LALA" TALIÑO-MENDOZA,MNSA.
May 18,2026 9:00am
Resort, Barangay Balindog, Kidapawan City.

‎Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan sa makulay na pagdiriwang ng Pokaa’t Kallu Festival 2026 na ginanap sa Barangay Ma...
15/04/2026

‎Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan sa makulay na pagdiriwang ng Pokaa’t Kallu Festival 2026 na ginanap sa Barangay Manobo, Magpet ngayong araw Abril 15, 2026, na taunang pasasalamat ng komunidad para sa masaganang ani. Ang naturang selebrasyon, na idinaraos tuwing buwan ng Abril ay isang mahalagang tradisyon ng tribong Obo Manuvu na sumasalamin sa kanilang malalim na ugnayan sa kalikasan, kultura, at pamumuhay.

Sa mensahe ni Vice Governor Rochella Marie "Ella" Taliño Taray, bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, ipinahayag niya ang taos-pusong pakikiisa ng kapitolyo sa pagdiriwang. Aniya, “Ako po ay lubos na nagagalak na makiisa sa pagdiriwang ng Pokaa’t Kallu Festival 2026. This festival is a powerful reflection of your identity as a people. Ito ay sumisimbolo sa inyong malalim na ugnayan sa kultura, sa lupang inyong minamahal, at sa mga tradisyong patuloy na nagbibigay-buhay sa inyong komunidad. Nais kong iparating na ang pamahalaang panlalawigan ay buong pusong nakikiisa at sumusuporta sa inyo.” Nakiisa rin sa aktibidad si Provincial IPMR/ Ex-Officio Board Member Arsenio M. Ampalid.

Samantala, nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si Barangay Captain Boi Ruth Pelonio Federe sa patuloy na pagbuhos ng suporta ng kapitolyo para sa kanyang nasasakupan. Ayon sa kanya, malaking bagay ang presensya at tulong ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng kanilang tradisyon at sa pagpapalakas ng pagkakaisa ng kanilang komunidad.// idcd-pgo-delacruz// Photoby : OVGSP//



15/04/2026
Buong pusong ipinabatid ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza ang hindi nagbabagong dedikasyon ng pamahalaang pan...
26/03/2026

Buong pusong ipinabatid ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza ang hindi nagbabagong dedikasyon ng pamahalaang panlalawigan- na patuloy na mananaig ang kapakanan ng kanyang nasasakupan, sa katagang: "Sa ating lalawigan, walang dapat mapagkaitan at mapabayaan."

Ito ang kanyang naging bungad sa "2026 State of the Province Address (SOPA)" na idinaos noong araw ng Martes, Marso 24, 2026 sa The Basket, Provincial Capitol Compound, Amas, Kidapawan City, kung saan kanyang ibinahagi ang mga programang ipinapatupad ng kapitolyo para sa Cotabateño, mula pagkasilang hanggang pagtanda upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mamayan, at para palakasin ang bawat sektor ng lalawigan.

Ipinagmalaki rin ng butihing gobernadora ang matatag na fiscal status ng lalawigan- nananatiling "Probinsyang Walang Utang ang Cotabato." Kasama na ang patuloy na pag-taas ng Total Tax Revenue from Local Sources, Non-Tax Revenue, Special Education Fund at marami pang iba. Gayundin, ang Surplus, Assets at Equity, kasabay ng pagbaba ng Liability.

Isinasalamin nito ang matibay na kakayahan ng kapitolyo na pondohan ang susunod pang mga proyekto nito at tugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Bunga ito ng mahusay na pagpaplano at pamamahala; tulong ng iba mga ahensya ng pamahalaan; tiwala at kooperasyon ng mga Cotabateño.

Ang okasyong nakaukit na sa kasaysayan ng probinsya ay dinaluhan ng pamilya ni Gov. Taliño-Mendoza na sina Deputy Speaker at TUCP Representative Atty. Raymond Democrito C. Mendoza, 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliño Santos, Carmen Mayor Roger Taliño at First Lady Noemi Taliño. Naroon din ang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na pinangunahan ni Vice Governor Rochella Marie "Ella" Taliño Taray, opisyales ng lokal na pamahalaan at kinatawan mula sa National Line Agencies, miyembro ng AFP, PNP, BFP, BJMP, akademya, sektor ng negosyo, media, at marami pang iba.//idcd-pgo-frigillana/photoby:WSamillano



💚💚💚

Address

Kibudtungan, Cotabato
Carmen
9408

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial IPMR Arsenio Ampalid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share