20/06/2026
๐๐จ๐ช๐๐ ๐ ๐๐-๐๐ข๐จ๐๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐ (๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ฆ๐๐)
Mahigpit na ipinagbabawal ang higit sa isang pagpaparehistro sa Philippine National ID System (PhilSys).
Ang paulit-ulit na pagpaparehistro ay magdudulot ng duplicate records, na maaaring magpabagal sa beripikasyon ng iyong impormasyon at sa pagproseso o paglalabas ng iyong National ID.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐๐บ๐ฏ๐ฒ๐ ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐๐น๐ถ?
โ
๐๐ช๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐ข๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ก๐ฎ๐ ๐ค ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก ๐๐ง๐ง๐ค๐ง
Hindi na kailangang magparehistro muli kung may maling baybay sa pangalan o iba pang impormasyong demograpiko. Maaari itong ipaayos sa pamamagitan ng demographic updating services ng PSA. Ito ay kasalukuyang available sa mga fixed registration center katulad ng mga makikita sa opisina ng PSA.
โ
๐๐ช๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ค ๐ฃ๐๐จ๐๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐ฟ
Hindi rin kinakailangang magparehistro muli. Maaari mong ma-access ang iyong ID sa pamamagitan ng eGovPH app o mag-request ng printed-in-paper format (ePhilID) sa mga registration center na pumupunta sa mga barangay (mobile) o makikita sa opisina ng PSA (fixed). Sa ngayon ay hindi pa naipagpatuloy ang pag-imprenta sa plastic o PVC Card kaya hindi ito available.
๐ฆ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ถ๐ป๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐ง๐๐น๐ผ๐ป๐ด?
Kung nais mong magpaayos ng impormasyon o alamin ang estado ng iyong kasalukuyang pagpaparehistro, huwag magparehistro muli.
Sa halip, bumisita sa pinakamalapit na PhilSys/National ID Registration Center upang makausap ang kinatawan ng PSA at maberipika ang iyong rekord.
๐ Para sa mga taga-Antique, maaari kayong magtungo sa National ID (PhilSys) Registration Center na matatagpuan sa ๐๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ฑ ๐๐น๐ผ๐ผ๐ฟ, ๐ฃ๐ฆ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐พ๐๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ, ๐๐ฎ๐ด๐น๐ฒ'๐ ๐๐ผ๐๐ฒ๐น ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด, ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ผ๐ฎ๐ฑ, ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฑ๐ฒ ๐๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐๐ฎ, ๐๐ป๐๐ถ๐พ๐๐ฒ upang ma-verify ang inyong registration status at makatanggap ng kaukulang tulong.
Maaari ring makipag-ugnayan sa mga mobile registration center na patuloy na umiikot sa mga barangay. I-follow and PSA Antique FB page para sa schedules.
๐๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ด ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ณ๐ฆ๐ฉ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ฐ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐. ๐๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ค๐ฆ๐ณ๐ฏ, ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ฑ๐ข๐จ-๐ถ๐จ๐ฏ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐๐ ๐ด๐ข ๐ฉ๐ข๐ญ๐ช๐ฑ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ณ๐ฆ๐ฉ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ฐ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช.
Related posts:
๐ฃ๐๐-๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐ ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐
https://www.facebook.com/share/p/1EbKjMJq9n/
๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ ๐ข๐ง ๐๐๐ฉ๐๐ซ ๐จ ๐๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ ๐๐ฒ ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐๐ซ๐ฒ ๐๐
https://www.facebook.com/share/p/1c1NtcWDUH/