Ayos, Barangay Looc Official

Directions

Ayos, Barangay Looc Official Official source of announcements, public advisories, programs, and services of Barangay LOOC

๐Ÿ’ก ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก | ๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง ๐Ÿ’กIsang kahilingang inihain ng ating Punong Barangay Kudjie Villaran...
15/09/2026

๐Ÿ’ก ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก | ๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง ๐Ÿ’ก

Isang kahilingang inihain ng ating Punong Barangay Kudjie Villaran kay Gobernador Nina Ynares ang malapit nang maisakatuparan para sa kapakinabangan ng ating mga residente.

๐Ÿ“ Sitio Bartag โ€“ 7 solar lights
๐Ÿ“ Carlos Vital Compound โ€“ 6 solar lights
Kabuuan: 13 solar lights

Kasalukuyan nang isinasagawa ang lay-out at pagtukoy ng mga lokasyon bilang paghahanda sa pagsisimula ng installation.
Maraming salamat sa ating butihing Gobernador Ynares sa pagtugon sa kahilingan ng ating Punong Barangay at sa patuloy na suporta para sa ating komunidad. ๐Ÿ’ก๐Ÿค

Serbisyo, Malasakit, at Agarang Aksyon para sa ating Barangay.


CANAL COVER GRILLS PROJECT | PALAYAN CITY - CANDELARIA ST.Isang proyekto ng Purok Kagawad Byron Jun Panguito, sa patnuba...
15/09/2026

CANAL COVER GRILLS PROJECT | PALAYAN CITY - CANDELARIA ST.

Isang proyekto ng Purok Kagawad Byron Jun Panguito, sa patnubay ng ating Punong Barangay, para sa mas maayos, ligtas, at malinis na daluyan ng tubig sa komunidad.

Ang pagkakabit ng canal cover grills ay naglalayong makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng kanal, pag-iwas sa pagbabara, at pagbibigay ng mas ligtas na daanan para sa ating mga residente.

Patuloy na serbisyo, malasakit, at pagkilos para sa kapakanan ng komunidad. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿšจ ๐™’๐˜ผ๐™๐™๐˜ผ๐™‰๐™ ๐™Š๐™ ๐˜ผ๐™๐™๐™€๐™Ž๐™ ๐™Ž๐™€๐™๐™‘๐™€๐˜ฟ | ๐™๐™ƒ๐™€๐™๐™ ๐˜พ๐˜ผ๐™Ž๐™€ ๐ŸšจSa ilalim ng direktiba ni Punong Barangay Kudjie Villaran , agad na nakipag-ugn...
05/09/2026

๐Ÿšจ ๐™’๐˜ผ๐™๐™๐˜ผ๐™‰๐™ ๐™Š๐™ ๐˜ผ๐™๐™๐™€๐™Ž๐™ ๐™Ž๐™€๐™๐™‘๐™€๐˜ฟ | ๐™๐™ƒ๐™€๐™๐™ ๐˜พ๐˜ผ๐™Ž๐™€ ๐Ÿšจ

Sa ilalim ng direktiba ni Punong Barangay Kudjie Villaran , agad na nakipag-ugnayan ang Barangay Looc BPSO sa Cardona PNP kaugnay ng concern na ini-refer ng Barangay San Guillermo.

Sa mabilis na koordinasyon ng Barangay Looc, Barangay San Guillermo, Cardona PNP, at Morong PNP, matagumpay na naisagawa ang pag-serve ng Warrant of Arrest laban sa isang indibidwal na may kinakaharap na kasong Theft.

Nagpapasalamat ang Barangay Looc sa Cardona PNP, Morong PNP, at Barangay San Guillermo sa kanilang agarang pagtugon at pakikipagtulungan.

Serbisyo, Koordinasyon, at Agarang Aksyon para sa Kaligtasan ng Komunidad. ๐Ÿค๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ

โš ๏ธ FOR AWARENESS AND WARNING:
Ang Pagnanakaw ay isang paglabag sa batas at may kaukulang pananagutan. Maging mapagmatyag, pangalagaan ang inyong mga gamit at ari-arian, at agad na i-report sa kinauukulan ang anumang kahina-hinalang insidente.

Maging alerto. Maging responsable. Iwasan ang pagnanakaw. ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธโš–๏ธ

๐Ÿ“ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—˜๐—— | ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—ง., ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—–Mula sa isang kahilingan, ngayon ay ganap nang naisakatuparan! ๐Ÿ™Sa pangung...
03/09/2026

๐Ÿ“ ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—๐—˜๐—–๐—ง ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—˜๐—— | ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—ง., ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—–

Mula sa isang kahilingan, ngayon ay ganap nang naisakatuparan! ๐Ÿ™

Sa pangunguna ni Punong Barangay Kudjie Villaran , ipinagpatuloy ang kahilingan para sa road improvement/asphalting at repair ng canal sa San Juan St., Barangay Loocโ€”isang proyektong mahalaga para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga residente.

Taos-pusong pasasalamat kay Gov. Nina Ricci A. Ynares at sa Provincial Government of Rizal sa pagtugon at pagsasakatuparan ng proyektong ito. โค๏ธ

Pasasalamat din kay Kagawad Ernesto Noex Cruz Jr. sa pagtutok at pagtulong sa pag-aayos ng daloy ng trapiko hanggang sa matapos ang proyekto.

Ang dating problema sa sirang daanan, drainage at pagbaha ay unti-unting natutugunan upang magkaroon ng mas maayos, ligtas at maaliwalas na daanan ang ating mga kabarangay.

Mula sa kahilingan noong nakaraan, naging katuparan para sa Barangay Looc ngayon.
Serbisyo na may malasakit.

Maraming salamat, Gov. Nina Ynares !
Maraming salamat, Provincial Government of Rizal!



๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ฝ๐—ผ!Ipinapaalam po sa lahat na ang aspaltong isinasagawa sa San Juan Street ay inaasahang matatapos hangga...
02/09/2026

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ฝ๐—ผ!

Ipinapaalam po sa lahat na ang aspaltong isinasagawa sa San Juan Street ay inaasahang matatapos hanggang bukas, Setyembre 3, 2026, kung papahintulutan ng kondisyon ng panahon at iba pang kinakailangang gawain.

Hinihiling po ang inyong pakikiisa at pang-unawa habang isinasagawa ang proyekto.

Mangyaring iwasan muna ang pagdaan o pagparada sa bahaging kasalukuyang ginagawa upang hindi maantala ang pagkumpleto ng proyekto.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

MAGING LIGTAS MULA SA HAZE! Ang haze ay maruming hangin na may halong maliliit na particle tulad ng usok, abo, at alikab...
02/09/2026

MAGING LIGTAS MULA SA HAZE!

Ang haze ay maruming hangin na may halong maliliit na particle tulad ng usok, abo, at alikabok na maaaring makaapekto sa kalusugan.

Alamin ang mga posibleng epekto ng haze at ang mga hakbang na maaaring gawin upang maprotektahan ang iyong sarili at pamilya.






๐Ÿšง ๐™‹๐™๐˜ฝ๐™‡๐™„๐˜พ ๐˜ผ๐˜ฟ๐™‘๐™„๐™Ž๐™Š๐™๐™” | ๐˜ผ๐™Ž๐™‹๐™ƒ๐˜ผ๐™‡๐™๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™Š๐™…๐™€๐˜พ๐™ ๐Ÿšง๐Ÿ“ San Juan StreetIpinababatid po sa lahat ng residente, lalo na sa mga may-ari n...
31/08/2026

๐Ÿšง ๐™‹๐™๐˜ฝ๐™‡๐™„๐˜พ ๐˜ผ๐˜ฟ๐™‘๐™„๐™Ž๐™Š๐™๐™” | ๐˜ผ๐™Ž๐™‹๐™ƒ๐˜ผ๐™‡๐™๐™„๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™Š๐™…๐™€๐˜พ๐™ ๐Ÿšง

๐Ÿ“ San Juan Street

Ipinababatid po sa lahat ng residente, lalo na sa mga may-ari ng sasakyan na nakatira o dumaraan sa San Juan Street, na magsisimula na bukas ang pagbaba at pagpasok ng mga kagamitan (equipment) para sa isasagawang asphalting project.

๐Ÿ“Œ Sa Miyerkules, isasagawa na ang paglalagay ng aspalto sa nasabing lugar. Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang kalsada habang isinasagawa ang proyekto.

๐Ÿš— Pakiusap po sa mga may-ari ng sasakyan:
Mangyaring ilipat o ilabas muna ang inyong mga sasakyan bago magsimula ang trabaho upang hindi maharangan ang mga gagamiting equipment at upang maging maayos, mabilis at ligtas ang pagsasagawa ng proyekto.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa, pakikiisa at kaunting pasensya sa pansamantalang abalang dulot nito. Ang proyekto ay para sa mas maayos, ligtas at mas matibay na kalsada para sa ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa. ๐Ÿ’™



๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก! โ›ˆ๏ธDahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pabago-bagong panahon, mainam na manatili na lamang sa loob ng ...
29/08/2026

๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก! โ›ˆ๏ธ

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at pabago-bagong panahon, mainam na manatili na lamang sa loob ng bahay at unahin ang inyong kaligtasan.

Dahil walang pasok, gamitin ang pagkakataong ito upang magpahinga at manatili sa bahay hangga't maaari. Iwasang lumabas maliban na lamang kung talagang kinakailangan, at manatiling updated sa pamamagitan ng mga opisyal na abiso at anunsyo tungkol sa panahon.

Tandaan, walang destinasyon ang mas mahalaga kaysa sa inyong kaligtasan. Panatilihing mainit ang katawan at kumustahin ang inyong pamilya at mga kaibigan sa abot ng inyong makakaya.

Manatiling may alam. Manatiling ligtas. Manatiling tuyo.

Mag-ingat ang lahat!


๐ŸŒฑ ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—”, ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ง๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก! ๐ŸŒณ๐Ÿ’šSa pagdiriwang ng kaarawan ni Gov. Ito Ynares, nakikiisa ang...
26/08/2026

๐ŸŒฑ ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—”, ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ง๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก! ๐ŸŒณ๐Ÿ’š

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Gov. Ito Ynares, nakikiisa ang Barangay Looc sa adhikain para sa isang mas luntian at mas maayos na kapaligiran sa pamamagitan ng Tree Planting Activity ngayong Agosto 26, 2026. ๐ŸŒฟ

Hindi lamang tayo nagtatanim ng punoโ€”nagtatanim tayo ng pag-asa, buhay at magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon. ๐ŸŒณโœจ

20/08/2026

๐Ÿšจ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ

Naiulat na isang insidente ang naganap bandang 7:00 PM sa iskinita papasok ng Gil Domingo St., National Road, Purok 4.

Batay sa paunang salaysay ng biktima, siya umano ay hinarang at hinoldap ng dalawang indibidwal na sinasabing armado ng baril. Hindi pa nakikilala ang mga ito dahil nakasuot umano ng helmet, at hindi rin matukoy kung saang direksyon sila nagtungo matapos ang insidente.

Ang insidente ay naipaabot na sa Barangay at sa mga kinauukulang awtoridad para sa kaukulang aksyon at imbestigasyon. Wala pang malinaw na CCTV footage na makapagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga suspek.

Hinihikayat ang lahat ng residente na maging mapagmatyag at maingat, lalo na sa pagdaan sa mga lugar na hindi gaanong matao.

โš ๏ธ Huwag subukang lapitan o komprontahin ang mga suspek. Unahin ang kaligtasan.

Ang impormasyong ito ay ibinabahagi para sa public awareness. Ang imbestigasyon ay patuloy na isinasagawa ng mga kinauukulan.

Address

National Road Cor. San Diego St. Brgy. Looc
Cardona
1950

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ayos, Barangay Looc Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share