Dyan Ramirez

Dyan Ramirez Caramoan, Camarines Sur | Public Servant

KAOGMA NA!Sa mga gusto po magdalan na mga Caramoanon kan OPENING nin Kaogma Festival 2026 sa maabot MAY 26 sa Camsur Upt...
24/05/2026

KAOGMA NA!

Sa mga gusto po magdalan na mga Caramoanon kan OPENING nin Kaogma Festival 2026 sa maabot MAY 26 sa Camsur Uptown Cadlan Pili, magkakaigwa po kita nin LIBRENG SAKAY & meals! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰

Mag message po kamo ki Mark Rubia para mareserve an saindong slot. First come first serve.

Join po kami digdi sa Messenger GC ๐Ÿ‘‰ https://m.me/j/AbYDSWSRugAQC0Aq/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_c

24/05/2026

Congratulations Gov. Lray Villafuerte ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘โœŒ๏ธโœŒ๏ธ

Happy Motherโ€™s Day sa sakuyang padangaton na Mama Belen asin sa sakuyang agom, Jing โค๏ธ๐ŸŒทSalamat sa pagpapadangat asin sak...
10/05/2026

Happy Motherโ€™s Day sa sakuyang padangaton na Mama Belen asin sa sakuyang agom, Jing โค๏ธ๐ŸŒท

Salamat sa pagpapadangat asin sakripisyong daing kapantay. Kamo an kusog asin inspirasyon ko asin nin satuyang pamilya sa arualdaw.

Asin sa gabos na mga ina, saludo kami sa saindong kabutihan, tiyaga, asin pagkamoot na tunay na dai matatawaran. Nawaโ€™y maging espesyal ang aldaw na ini sa saindo gabos, sa pag appreciate kung gaano kamo kahalaga sa samuyang buhay na pamilya nindo โค๏ธ

Happy Motherโ€™s Day!!! ๐Ÿ’

02/05/2026
30/03/2026

PARA SA KATOTOHANAN. PARA SA MGA TAGA-CAMARINES SUR.
(Opisyal na Tugon kay Congressman Nelson Legacion)

Cong Legacion -Maawa ka naman sa mga farmers , Tigilan mo na ang panloloko at paggamit sa kanila !

Congressman Legacion, bilang isang abogado, alam mong basahin ang desisyon ng korte. Kaya naman mas seryoso ang iyong kasalanan โ€” hindi ka nagkakamali. Pinipili mong itago ang katotohanan mula sa mga taong sinasabing tinutulungan mo.
Hayaan ninyong ilatag ko ang lahat โ€” para sa mga mamamayan ng CamSur, para sa mga apektadong pamilya, at para sa buong publiko.

โš–๏ธ KASO 1 โ€” SPECIAL CIVIL ACTION NO. P-172-2018
(Province of CamSur vs. Pedro Ferrer, et al.)
Narito ang buong legal na timeline, base sa mga opisyal na dokumento ng korte:
โœ… Enero 16-17, 2018 โ€” Inihain ng Lalawigan ang reklamo para sa expropriation. Legal. Konstitusyonal. Para sa kapakanan ng publiko.
โœ… Disyembre 28, 2020 โ€” Nagbigay ang korte ng Resolution para sa pagpapalabas ng Writ of Possession โ€” pabor sa Lalawigan.
โœ… Enero 12, 2021 โ€” Opisyal na naibigay ang Writ of Possession laban sa mga defendant.
โœ… Mayo 31, 2024 โ€” Itinadhana ng korte ang makatarungang kabayaran sa โ‚ฑ400.00 bawat metro kwadrado.
โœ… Oktubre 15, 2024 โ€” Inaprubahan ng korte ang Record on Appeal ng Lalawigan .
โœ… Hunyo 9, 2025 โ€” IBINASURA ng Court of Appeals ang apela ng mga defendant sa CA-G.R. CV No. 124823. Hindi binago. Hindi ibinalik. IBINASURA.
โœ… Marso 3, 2026 โ€” TINANGGIHAN ng Court of Appeals ang Motion for Reconsideration ng mga defendant-appellants โ€” 25 araw na ang nakalipas.

โš–๏ธ KASO 2 โ€” SPECIAL CIVIL ACTION NO. P-127-2007
(Province of CamSur vs. Geronimo Abracosa, et al. โ€” RTC Branch 33, Pili)
At ngayon, para sa iyong pinakabagong akusasyon na โ€œmayo pa man Writ of Demolition na pinapaluwas an Korteโ€ โ€”obvious ba wala ! Kaya nga walang pina demolish maski isa !
Pero Meron court order to vacate within 30days . Kung mag vacate thereโ€™s no need for an order of demolition. Bilang isang abugado, Dapat paliwanag mo ito sa mga affected farmers, imbes na inuudyok na wag makiusap !

P**i basa ini attorney !

โœ… Marso 17, 2026 โ€” Nagpalabas ang Regional Trial Court, Branch 33, Pili, Camarines Sur, na pinangasiwaan ni Judge Maria Carmela Ng P*e Mendiola, ng isang ORDER na nag-uutos sa mga naka occupy ng Lots 2018, 701, 707, 501, 503, 708-B, 2583, at 703 na alisin ang lahat ng mga istruktura at pagpapabuti sa loob ng 30 araw โ€” ang deadline ay humigit-kumulang Abril 16, 2026.
Ito ay isang opisyal na utos ng korte. Hindi ito gawa-gawa. Mayroon itong lagda ng hukom. Mayroon itong selyo ng korte. Mababasa mo ito mismo, Congressman โ€” ikaw ay abogado.
Ngunit kahit may 30-day na order na upang alisin ang mga istruktura, hindi kami kikilos nang walang hiwalay at pormal na utos ng demolisyon mula sa korte. Hihintayin namin ito nang may pasensya at buong paggalang sa prosesong legal. Ito ang patunay na ang Lalawigan ng Camarines Sur ay hindi nang-aabuso, at hindi kumikilos nang lampas sa ipinag-uutos ng batas.
Mapapansin mo rin na ang mga embwelto sa kasong ito ay kinakatawan ng kanilang sariling mga abogado โ€” Atty. Cabaรฑes at Atty. Botor. May legal na representasyon ang mga tao. Alam nila ang kanilang mga karapatan. Alam nila ang utos ng korte.
Kaya bakit sinasabi mong walang utos ang korte? Dahil hindi mo sinabi sa mga tao ang katotohanan.

๐Ÿ  HAMON: MAGPAKITA NG ISANG DEMOLISH NA BAHAY.
Nagpost ka ng video na nagpapakita ng isang magsasaka na nagpapanggap na pinaalis na. Samantala ang anak ng nag video ay humarap saakin at Nag attend sa meeting namin kahapon . Ginawa mong mukhang pinagwasak namin ang mga tahanan nang walang batayan at walang utos ng korte.
Ang katotohanan: May 30-day na order na ang korte, at ang deadline ay hindi pa tapos โ€” humigit-kumulang Abril 16, 2026. At kahit pagdating ng deadline na iyon, hihintayin pa rin namin ang pormal na utos ng demolisyon bago kumilos. Iyon ang tamang proseso. Iyon ang sinusunod namin.
Hinihinamon kita, Congressman โ€” magpakita ng ISANG larawan. ISANG video. ISANG affidavit. ISANG katibayan na may dinemolish na bahay, o istruktura ng Lalawigan.
Hindi ka makakagawa nito. Dahil hindi ito nangyari.
Ikaw ay isang abogado. Kung talagang may iligal na nangyari โ€” mag-file ng kaso. Alam mo kung nasaan ang hukuman. Pero hindi ka mag-fifile, dahil wala kang maihaharap na katibayan.

๐Ÿค ANG HINDI MO SINABI SA MGA APEKTADONG PAMILYA:
Dalawang beses kaming nagpulong โ€” hindi isang beses โ€” inimbitahan ang lahat ng apektadong pamilya. Nandoon ako. Nakausap ko sila nang harapan, bilang Gobernador at bilang kapwa Bikolano.
Narito ang aming alok, malinaw at tapat:
๐Ÿ”น Para sa mga may titulo at patunay ng pagmamay-ari โ€” Babayaran namin ng buo ang anumang halaga na itatakda ng korte. Karamihan sa mga may-ari ng lupa ay matagal nang pumayag at marami na ang nabayaran.
๐Ÿ”น Para sa mga walang titulo at walang patunay ng pagmamay-ari โ€” Nag-alok kami ng bahay, trabaho, at iskolarship para sa kanilang mga anak. Paulit-ulit naming inialok ito sa parehong pulong.
At ikaw, Congressman โ€” ano ang iyong inialok sa kanila?
Isang abogado. Ang iyong asawa.
Walang isang pisong direktang tulong. Walang bahay. Walang iskolarship. Walang kabuhayan. Ang iniaalok mo sa kanila ay mas maraming court dates โ€” dahil ang matagal na kaso ay nagpapanatili ng iyong relevance sa pulitika.

๐ŸŽญ ANG TUNAY MONG AGENDA, CONGRESSMAN:
Alam mo โ€” at alam ng bawat abogado โ€” na tinanggihan ng Court of Appeals ang Motion for Reconsideration ng mga defendant noong Marso 3, 2026, tatlong linggo na ang nakalipas. Alam mong legal na natalo sa korte ang kanilang posisyon sa dalawang magkahiwalay na kaso.
Ang natitirang tanong ay just compensation lamang โ€” at nangako na kaming babayaran nang buo kung anuman ang itatakda ng korte.
Ngunit sa halip na sabihin ang katotoohang ito sa mga magsasaka โ€” sa halip na payuhan silang makipag-ayos, tanggapin ang tulong ng Lalawigan, at sumulong โ€” sinasabihan mo silang huwag makipag-usap sa akin.
Tanungin mo ang iyong sarili, Congressman: Bakit sasabihan ng isang abogado ang kanyang kliyente na huwag kausapin ang Gobernador na handang mag-alok ng bahay, trabaho, at iskolarship?
Ang sagot ay simple: Dahil kapag nakipag-usap sila sa akin, malulutas ang isyu. At ang nalutas na isyu ay problema para sa iyong plano sa pulitika , at planung magpasikat dahil sa paggamit sa mga farmers .
Hindi mo tinutulungan ang mga magsasaka, Congressman. Ginagamit mo sila.

๐Ÿ“ฃ LIMANG HAMON PARA SA IYO, CONGRESSMAN LEGACION:
Una โ€” Magpakita ng isang larawan, isang video, ng anumang demolishang bahay o istruktura ng Lalawigan. Kung hindi mo magawa, humingi ng paumanhin sa publiko at bawiin ang iyong post.
Pangalawa โ€” Sabihin mo sa iyong mga kliyente ang buong katotohanan: Na ibinasura ng Court of Appeals ang kanilang apela noong Hunyo 9, 2025, at tinanggihan ang kanilang MR noong Marso 3, 2026.
Pangatlo โ€” Ipaliwanag mo sa publiko kung bakit may Court Order na petsa Marso 17, 2026 na nag-uutos ng removal โ€” samantalang sinasabi mong โ€œwala pang utos ang korte.โ€ Sino ang nagsisinungaling?
Pang-apat โ€” Ibunyag mo ang iyong conflict of interest. Ang iyong asawa ang abogado ng kabilang panig. May karapatang malaman ito ng mga tao.
Panlima โ€” Pangalanan mo ang isang kongkretong bagay โ€” bahay, pera, iskolarship โ€” na personal mong ibinigay o ipinangako sa mga apektadong pamilya. Hindi legal na serbisyo na nagpapahaba ng kaso. Isang kongkretong bagay.
Kung wala kang masagot sa limang hamong ito, Congressman, ang konklusyon ng publiko ay malinaw:
Ang post na ito ay hindi para sa mga magsasaka. Para ito sa iyo.

๐Ÿ’ฌ SA MGA APEKTADONG PAMILYA โ€” DIREKTA MULA SA AKIN:
Naiintindihan ko ang inyong takot at pag-aalala. Normal lamang iyon. Ngunit nais kong maging malinaw:
Oo, may utos na ang korte na mag-vacate sa loob ng 30 araw. Ngunit kami, bilang Lalawigan, ay hihintayin pa rin ang pormal na utos ng demolisyon bago kumilos. Hindi kami magmamadali. Hindi namin kayo susugurin. Ang aming pangako ay simple: susundin namin ang bawat hakbang ng batas nang may dignidad at respeto sa bawat pamilya.
Ang aming pinto ay bukas palagi. Dalawang beses ko na kayong imbitahan. Nandoon pa rin ang aming alok โ€” bahay, trabaho, iskolarship para sa inyong mga anak.
Huwag hayaang gamitin kayo ng sinuman bilang instrumento ng kanyang pampulitikang ambisyon. Ang taong tunay na nagmamalasakit sa inyo ay hindi kayo gagamitin sa isang Facebook video โ€” tulungan niya kayo nang tunay at kongkreto.
Makipag-ugnayan sa aming opisina. Nandito kami โ€” hindi sa salita lamang, kundi sa gawa.
Aksyon, Hindi Salita.

๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ต๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—•๐—™๐—ฆ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ง๐—ก๐—›๐—ฆ ๐Ÿ—‘๏ธโ™ป๏ธAnother trash bins were successfully distributed to ๐—•๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น (๐—•๐—™๐—ฆ) and ๐—ง๐—ฎ๐—ฏ๐—ด...
18/01/2026

๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ต๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—•๐—™๐—ฆ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ง๐—ก๐—›๐—ฆ ๐Ÿ—‘๏ธโ™ป๏ธ

Another trash bins were successfully distributed to ๐—•๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น (๐—•๐—™๐—ฆ) and ๐—ง๐—ฎ๐—ฏ๐—ด๐—ผ๐—ป ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น (๐—ง๐—ก๐—›๐—ฆ) and formally turned over to representatives of the said schoolsโ€” a simple yet meaningful step toward strengthening proper waste management and promoting a cleaner Caramoan.

Through shared responsibility and collective action, we continue to care for our environment and safeguard the future of Caramoan.

Lubos po kita na nagpapasalamat sa Province of CamSur, lalo na ki Gov. Lray  Villafuerte, sa pag grant nin mga wheelchai...
18/01/2026

Lubos po kita na nagpapasalamat sa Province of CamSur, lalo na ki Gov. Lray Villafuerte, sa pag grant nin mga wheelchair sa pamamagitan kan KaFuerte Libreng Wheelchair Assistance na nagtau nin dakulang ginhawa, kaogmahan, asin pag-asa sa satong mga kapamilya. Talagang dakulang tabang po ini sa saindang arualdaw na pamumuhay. ๐Ÿ’™๐Ÿ’™

Maogma po ako na nakapag-assist sa personal na pagdistribute kaini sa saindo asin pirmi sana man po kaming uya para ipaabot ang mga tabang asin malasakit na hali sa satong ginagalangan na Gobernador para sa mga kahimanwa nyato. Sarong karangalan po ang maging bahagi nin serbisyong tunay na may malasakit!

Sa pamamagitan kan KaFuerte Libreng Wheelchair Assistance, padagos nyato na pinatutunayan na ang gobyernong may puso na tunay sa paglilingkod, kayang maghatud nin tunay na ginhawa asin pag-asa sa bawat pamilyang nangangaipu nin asistensya. โค๏ธ

Address

Real Street, Barangay Tawog , Sanguniang Bayan, LGU Caramoan
Caramoan
4429

Telephone

+639205762464

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dyan Ramirez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share