PNP Capul Municipal Police Station

PNP Capul Municipal Police Station Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PNP Capul Municipal Police Station, Government Organization, Brgy 2. Poblacion, Capul.

14/05/2026

RESIDENTE SA ALBAY, NABIGYAN NG MALINIS NA TUBIG NG PNP

Nagpatuloy ang pagtugon ng Philippine National Police sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon matapos makapamahagi ang Police Regional Office 5 (PRO 5) ng mahigit 28,000 litro ng malinis na inuming tubig sa iba’t ibang komunidad sa Guinobatan, Albay.

Sa loob ng pitong araw na operasyon, pinangunahan ng Emergency Response Team ng Regional Mobile Force Battalion 5 ang water desalination operation upang matiyak na may ligtas na maiinom ang mga pamilyang naapektuhan ng ashfall at kakulangan sa suplay ng tubig.

Aabot sa 10,775 residente mula sa mga apektadong barangay ang nabigyan ng tulong, kabilang ang ilang lugar na patuloy na nakararanas ng epekto ng volcanic activity.

Pinuri ni Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang agarang pagkilos ng mga pulis na nasa ground.

“Hindi lang pagpapanatili ng kapayapaan ang trabaho ng inyong kapulisan. Sa panahon ng kalamidad, mahalaga na maramdaman ng taumbayan na may kasama silang maaasahan. Maliit man o malaking tulong, basta makapagbibigay ginhawa sa ating mga kababayan, gagawin natin,” ani PGen Nartatez.

Dagdag pa ng Chief PNP, patuloy na nakaantabay ang PNP upang tumulong sa mga komunidad na apektado ng kalamidad at iba pang emergency situations.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, muling pinatutunayan ng PNP ang malasakit at kahandaan nitong maglingkod sa mamamayan alinsunod sa layunin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

OPLAN BANDILYO: Crime Prevention and Safety TipsDate: May 14, 2026Personnel of the Capul Municipal Police Station, under...
14/05/2026

OPLAN BANDILYO: Crime Prevention and Safety Tips
Date: May 14, 2026

Personnel of the Capul Municipal Police Station, under the leadership of PCPT AMADO M CASTILLO JR., Acting Chief of Police, conducted a series of Oplan Bandilyo in Poblacion 2, 3 and 4, Capul Northern Samar.

The campaign highlighted traffic safety and the prevention of stabbing and drowning incidents, aiming to raise public awareness and encourage responsible behavior among residents.

This initiative encourages personal responsibility, vigilance, and community cooperation to keep our municipality safe and orderly.



14/05/2026
14/05/2026
14/05/2026

Mga Paalala kapag tayo ay nasa Labas ng Tahanan o nasa Lansangan Upang Makaiwas sa mga Posibleng Panganib

1. Iwasan ang mga delikadong lugar lalo na sa gabi.

2. Maging alerto sa paligid – huwag laging nakatutok sa cellphone kapag nasa labas.

3. Tandaan ang mga daan palabas o palayo kapag nasa pampublikong lugar.

4. Kapag may banta, tumakbo palayo at magtago agad.

5. Tumawag agad sa awtoridad kung may kahina-hinalang kilos.

Maging alerto upang manatiling ligtas.




14/05/2026

Pagtiyak sa Kaligtasan at Kaayusan ng Eastern Visayas

Ang Police Regional Office 8 (PRO-8) ay patuloy na nagsusumikap upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa buong Eastern Visayas.

Sa pamamagitan ng maagap na pagpapatupad ng batas, sinisiguro ng kapulisan na ang bawat mamamayan ay may kapanatagan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang kanilang presensya sa mga komunidad ay nagsisilbing pananggalang laban sa anumang banta sa kapayapaan.




14/05/2026

Masusing Operasyon Laban sa mga Banta sa Kapayapaan

Bilang tagapangalaga ng seguridad, ang PRO 8 ay aktibong nagsasagawa ng mga operasyon laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad, ilegal na droga, at terorismo.

Ang mga hakbang na ito ay isinasagawa sa tulong ng intelligence-driven operations, pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya at komunidad.

Layunin nitong tuluyang mapigilan ang mga banta na sumisira sa katahimikan ng Eastern Visayas.




14/05/2026

Address

Brgy 2. Poblacion
Capul
6408

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Capul Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share