San Roque Elementary School-Capalonga

San Roque Elementary School-Capalonga School ID : 112125
Address : P1 Brgy. San Roque, Capalonga Camarines Norte

Lubos po kaming nagpapasalamat sa buong San Roque Barangay Council sa pamumuno ni Kapitan Michael D. San Jose, at sa Kom...
27/03/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa buong San Roque Barangay Council sa pamumuno ni Kapitan Michael D. San Jose, at sa Komite ng Edukasyon sa pangunguna ni Kgd. Randy Detera, sa inyong mahalagang ambag na 5 span ng concrete fence para sa mas ligtas na paaralan. Ang inyong suporta ay malaking tulong sa kapakanan ng aming mga mag-aaral. Maraming salamat po!

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ika-73 na Pagtatapos ng San Roque Elementary School na may temang...
27/03/2026

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ika-73 na Pagtatapos ng San Roque Elementary School na may temang:
“Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao.”

📅 Petsa: Marso 30, 2026
⏰ Oras: 1:00 ng Hapon
📍 Lugar: Plaza ng San Roque Elementary School

Ang inyong pagdalo ay lubos naming ikagagalak.

“Sa bawat hakbang ng kababaihan, may liwanag na gabay—parang mga Babaylan ng makabagong panahon. Mabuhay ang Filipina!”
27/03/2026

“Sa bawat hakbang ng kababaihan, may liwanag na gabay—parang mga Babaylan ng makabagong panahon. Mabuhay ang Filipina!”

March 12-13, 2026“Isang makulay na pagdiriwang ng pagkakaisa, talento, at pagmamahal sa ating paaralan. Maligayang Found...
27/03/2026

March 12-13, 2026
“Isang makulay na pagdiriwang ng pagkakaisa, talento, at pagmamahal sa ating paaralan. Maligayang Foundation Day, San Roque Elementary School!”

“Paggunita sa ating pinagmulan, pagdiriwang ng kasalukuyan, at pag-asa para sa hinaharap. Mabuhay ang San Roque ES!”

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa Universal Guardians Brotherhood sa kanilang bukas-palad na pagtul...
27/03/2026

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa Universal Guardians Brotherhood sa kanilang bukas-palad na pagtulong upang malagyan ng bubong ang plaza ng San Roque Elementary School. Ang inyong malasakit at pagkakaisa ay naging malaking bahagi sa aming paghahanda para sa darating na End of School Year Rites.

Dahil sa inyong suporta, mas magiging maayos, ligtas, at komportable ang pagdarausan ng mahalagang okasyong ito para sa aming mga mag-aaral, magulang, at g**o. Hindi lamang materyal na tulong ang inyong naibigay, kundi pati inspirasyon at halimbawa ng tunay na bayanihan.

Maraming salamat sa inyong kabutihang loob. Nawa’y patuloy pa ninyong pagpalain ang inyong samahan at maging inspirasyon sa iba pang tumulong sa komunidad.

Mabuhay po kayo!

Ang bubong ng aming plaza ay mula sa sama sama at pagtutulungan ng aming komunidad at mga magulang ganun din ang bumubuo ng Brgy Council ng san Roque.
Maraming Salamat po sa inyo.🎊🎉👏👏👏👏

11/03/2026
11/03/2026
Happy Birthday, Mam Cyril! 🎉Your quiet dedication and the way you keep working hard, even without seeking attention, tru...
05/03/2026

Happy Birthday, Mam Cyril! 🎉
Your quiet dedication and the way you keep working hard, even without seeking attention, truly inspire those around you. While you may be silently working, your victories never go unnoticed. Wishing you more strength, happiness, and success in all that you do. God bless you always! 🎂✨

May pasok na po tayo bukas.
09/02/2026

May pasok na po tayo bukas.

Ipinababatid sa lahat na ang suspensyon ng klase at trabaho sa Bayan ng Capalonga ay LIFTED na epektibo bukas, alinsunod sa mas paborableng lagay ng panahon na inaasahan.

Magbabalik na sa normal na pasok ang lahat ng antas ng paaralan (public at private). Magpapatuloy na rin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Pinapayuhan pa rin ang lahat na manatiling maingat at mag-ingat sa pagbiyahe, lalo na sa mga lugar na maaaring may baha o madulas na kalsada.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at manatiling ligtas ang bawat Capalongueño.

Ingat po ang lahat..
08/02/2026

Ingat po ang lahat..

Suspendido rin ang trabaho sa lahat ng National Government Agencies (NGAs) sa loob ng AOR ng Capalonga dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha dulot ng Shear Line na nakaaapekto sa Lalawigan ng Camarines Norte.

Ang suspensyon ay mananatili hanggang sa muling ipahayag ang pag-aalis nito.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, iwasan ang mga bahain na lugar, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng MDRRMO at PAGASA.

Mag-ingat po ang lahat at manatiling ligtas.
Pakibahagi para sa kaalaman ng lahat.

📣 EARLY REGISTRATION | SY 2026–2027 📣Inaanyayahan po ang lahat ng parents at guardians na magpa-Early Registration para ...
30/01/2026

📣 EARLY REGISTRATION | SY 2026–2027 📣

Inaanyayahan po ang lahat ng parents at guardians na magpa-Early Registration para sa Incoming Kinder, Grade 1, Grade 7, Balik-Aral, at Transferees.

📅 Schedule:
🗓 January 31 – February 27, 2026
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM

📌 Important Reminder:
✔ Kindergarten applicants must be 5 years old on or before October 31, 2026
✔ Children born November 1 – December 31, 2026 may still be considered if ECCD requirements are met

📄 Requirements:
• PSA Birth Certificate (Photocopy)
• Accomplished Early Registration Form
• Proof of previous grade (if applicable)

📌 LEGAL BASIS / OFFICIAL REFERENCE

Ang Early Registration ay alinsunod sa DepEd national policies, partikular sa:
• DepEd Order No. 03, s. 2018 (Basic Education Enrollment Policy)
• DepEd Order No. 10, s. 2023 (Amendments to the Enrollment Policy)

📌 Ang age cut-off at general guidelines ay pareho sa buong bansa.
📌 Gayunpaman, ang schedule at specific instructions ay ipinatutupad sa pamamagitan ng Regional at Division Memorandum.

👉 Kaya naman, maaaring magkaiba ang schedule at ilang requirements depende sa Division o paaralan.

📍 For more inquiries and clarification, please visit San Roque Elementary School. ❗️❗️❗️❗️

Address

Purok 1 Barangay San Roque Capalonga, Camarines Norte
Capalonga
4607

Opening Hours

Monday 7:30am - 4:30pm
Tuesday 7:30am - 4:30pm
Wednesday 7:30am - 4:30pm
Thursday 7:30am - 4:30pm
Friday 7:30am - 4:30pm

Telephone

+639190082751

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Roque Elementary School-Capalonga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to San Roque Elementary School-Capalonga:

Share

Category