13/04/2026
OPISYAL NA PAHAYAG
SANGGUNIANG KABATAAN MUNICIPAL FEDERATION
CANDELARIA, QUEZON
13 April 2026
Ipinababatid sa lahat ng Sangguniang Kabataan, Pamunuan ng Barangay, mga manlalaro, at mamamayan ng Candelaria na, alinsunod sa umiiral na State of National Energy Emergency na idineklara noong ika-24 ng Marso 2026 sa pamamagitan ng Executive Order No. 110 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at kasunod ng Memorandum Order No. 097 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gobernador Angelina Helen D.L.
Tan, gayundin ng pahayag ng Candelaria Sports Development Office noong ika-31 ng Marso
2026, napagkasunduan ang sumusunod:
PANSAMANTALANG IPINAPAGPALIBAN ANG LAHAT NG BARANGAY AT SANGGUNIANG
KABATAAN (SK) INTER-SITIO SPORTS LEAGUE 2026
Ang pasyang ito ay pinagtibay rin sa pamamagitan ng nagkakaisang rekomendasyon ng Pambayang Pederasyon Liga ng mga Barangay - Candelaria Chapter, bilang pakikiisa sa pambansang adhikain na mabawasan ang hindi kinakailangang paggamit ng kuryente at gasolina sa panahong may kinakaharap na hamon sa suplay ng enerhiya.
Sa kasalukuyan, ang lahat ng aktฤฑbฤฑdad na may kaugnayan sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan (SK)-initiated sports leagues ay pansamantalang ihihinto hanggang sa maglabas ng panibagong abiso ang mga kinauukulang tanggapan hinggil sa ligtas at angkop na petsa ng muling pagsasagawa nito.
Bagama't mahalaga ang papel ng palakasan sa pagpapaunlad ng disiplina, pagkakaisa, at kalusugan ng kabataan, higit na kinakailangan sa ngayon ang sama-samang pagtugon upang mapangalagaan ang ating limitadong yaman. Kaugnay nito, hinihikayat ang bawat SK na ipagpatuloy ang mga programang pangkabataan na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan na hindi nangangailangan ng mataas na konsumo ng enerhiya.
Kinikilala ng Pederasyon ang dedikasyon at paghahanda ng bawat barangay para sa inaabangang mga liga. Dahil dito, kami ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot ng desisyong ito at taos-pusong umaasa sa inyong patuloy na kooperasyon at pag-unawa.
Sa pagkakaisa at malasakit, malalampasan natin ang hamong ito.
Maraming salamat po. Mabuhay ang Kabataang Candelariahin!