MENRO Candelaria, Zambales

MENRO Candelaria, Zambales Municipal Environment and Natural Resources Office

22/04/2026

April 23 2026|Commemoration of the Heroism and Bravery of Capt. Conrado D. Yap

Inaanyayahan ang lahat, lalo na ang mga kapwa Candelarian, na makiisa sa paggunita sa kabayanihan at katapangan ni Capt. Conrado D. Yap—isang ipinagmamalaking anak ng Candelaria at huwaran ng tunay na pagmamahal sa bayan—sa darating na Abril 23, 2026 (Huwebes), ika-7:00 ng umaga onwards, sa Capt. Conrado D. Yap Museum and Library, Sports Complex, Brgy. Poblacion, Candelaria, Zambales.

Sama-sama nating alalahanin ang kanyang mahalagang ambag at sukdulang sakripisyo para sa ating kalayaan, at ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa, tapang, at malasakit—bilang mga Candelarian na may pusong nagmamahal sa bayan.

Makiisa. Makibahagi. Magbigay-pugay. 🇵🇭




ConradoYap

17/04/2026

National Literature Month (April)

Tema: “Bekët Panitikan: Para sa Katwiran at Kalikasan”

Ngayong buwan ng Abril, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikan bilang pagpupugay sa yaman at husay ng panitikang Pilipino. Sa temang ito, binibigyang-diin ang mahalagang papel ng panitikan sa pagpapalaganap ng katwiran, kamalayan, at malasakit sa ating kalikasan.

Sa bawat tula, kwento, at akda, naipapahayag ang mga ideya at adhikain na naglalayong magmulat sa isipan ng bawat isa at hikayatin ang sama-samang pagkilos tungo sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang panitikan upang patuloy nating isulong ang katotohanan, katarungan, at pagmamahal sa kalikasan para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.


06/04/2026
11/02/2026

✨🙏 Viva Our Lady of Lourdes! 🙏✨
February 11 2026

Buong galak at debosyon na ipinagdiriwang ng Barangay Sinabacan, Candelaria, Zambales ngayong araw ang kapistahan ng kanilang mahal na patron na Our Lady of Lourdes.

Ang pagdiriwang ay naging pagkakataon upang ipamalas ang taimtim na pananampalataya at debosyon ng pamayanan, gayundin ang sama-samang panalangin para sa patuloy na gabay, biyaya, kapayapaan, at kaunlaran ng barangay sa ilalim ng mapagkalingang patnubay ng Mahal na Birhen ng Lourdes.





02/02/2026

Ipinagdiriwang ngayon ang kapistahan ng pinipintakasing Patrona ng Barangay Panayonan, Candelaria, Zambales—ang Nuestra Señora de la Candelaria (Our Lady of the Candles). Ang makabuluhang pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa matibay na pananampalataya, pagkakaisa, at debosyon ng mga mamamayan ng barangay.

Sa pamamagitan ng kapistahang ito, muling ipinapahayag ng mga deboto ang kanilang taos-pusong pasasalamat at panalangin sa patuloy na paggabay, proteksyon, at pagpapala ng Mahal na Ina sa buong komunidad ng Panayonan.




20/01/2026

Buong pusong nakikiisa ang Local Government Unit of Candelaria, Zambales sa paggunita ng 30th National Autism Consciousness Week, na may temang “Mula Kamalayan Tungo sa Gawa: Pag-unlad ng Autism-OK Philippines.”

Sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Mayor Byron Jones “Nik-Nok” Edquid Edquilang, patuloy nating isinusulong ang kamalayan, pag-unawa, at inklusibong aksyon para sa mga indibidwal na nasa autism spectrum. Sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaiba at itaguyod ang malasakit para sa lahat.







Address

Municipal, Brgy. Poblacion
Candelaria
2212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MENRO Candelaria, Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MENRO Candelaria, Zambales:

Share