05/09/2026
Taos-puso po ang aming pasasalamat kay Gov. Lilia Pineda, Vice Gov. Delta Pineda, Mayor Rene E. Maglanque, Vice Mayor Thelma Macapagal, at sa ating mga Sangguniang Bayan (SB) Members sa ikalawang pagkakataon na pagkakaloob ng relief goods para sa ating mga kabarangay na muling naapektuhan ng pagbaha.
Malaking tulong po ang inyong malasakit at agarang pagtugon sa pangangailangan ng aming mga kabarangay sa panahon ng kalamidad. ❤️
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, serbisyo at pagmamalasakit sa ating komunidad. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain at bigyan ng lakas upang makapaglingkod sa ating mga kababayan. 🙏
Mula po sa Barangay Vizal Sto. Niño, sa pangunguna ng ating masipag na punong brgy kap Bhoy Ortega maraming-maraming salamat po! 🤝❤️