24/04/2026
Magandang araw po, mga ka-Barangay!
Nais po naming ipabatid sa inyong lahat na bumisita sa ating Barangay Hall ang mga kinatawan ng PAMANA at nakipagpulong kina Kap.Greg Cruz Dungo at mga konsehal upang ipaliwanag ang kasalukuyang isyu tungkol sa pagiging malabo ng supply ng tubig.
Ayon po sa kanilang paliwanag, may mga teknikal na dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong problema, at kanila pong sinisikap na agad itong masolusyunan.
Kaugnay nito, hinihikayat po ang lahat ng residente ng Barangay Talang na may mga reklamo o katanungan tungkol sa supply ng tubig na makipag-ugnayan direkta sa Pamana Water Candaba sa pamamagitan ng kanilang page. Maaari po kayong magpadala ng direct message ๐ฉupang mas mabilis na matugunan ang inyong mga concern.
Ang inyong pakikipag-ugnayan ay makakatulong upang agad na maaksyunan ang bawat problema.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa!