21/02/2024
Rehistrado na ba ang kapanganakan mo? Kung hindi pa, pumunta sa Local Civil Registrar Office ng inyong lugar upang mapabilang sa Birth Registration Assistance Project (BRAP).
Ang BRAP ay isang proyekto ng Philippine Statistics Authority, katuwang ang Local Civil Registrar Office sa buong Camarines Sur, na naglalayong mairehistro ang mga Pilipino na wala pang birth certificate. Hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga Pilipinong kabilang sa senior citizen, Indigenous People at mga taong kulang sa kakayahang magbayad sa pagpaparehistro.
Si lola Leticia ang nagsumikap na mairehistro ang kapanganakan ng kanyang mga apo na sina Roger, Aivan, at A***n upang magamit ito sa kanilang pag-aaral.