03/06/2026
📢 BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG SCHOLARSHIP PROGRAM 2026 📢
Magandang araw po!
Inaanyayahan ang mga kwalipikadong mag-aaral ng Barangay Cayaoan na mag-aplay para sa Scholarship Program 2026. Bawat barangay ay magkakaroon ng limang (5) kwalipikadong college students na mabibigyan ng scholarship.
✅ QUALIFICATIONS:
• Incoming 4th Year College Student (Graduating Year 2027)
• Walang kasalukuyang scholarship na tinatanggap
• Indigent / At-Risk Student (Priority ang mga wala pang grumaduate sa pamilya)
• Rehistradong residente ng Barangay Cayaoan
📄 MGA KAILANGANG ISUMITE:
• Certificate of Enrollment
• Barangay Certification of Residency
• Iba pang dokumentong maaaring hingin sa proseso ng pagpili
📍 KANINO ISUSUMITE: Barangay Secretary o Council
📅 DEADLINE NG PAGSUSUMITE:
Hunyo 11, 2026
Paalala: Siguraduhing kumpleto ang mga dokumentong isusumite upang maisama sa proseso ng pagsusuri at pagpili ng mga benepisyaryo.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa mga Barangay Officials
Maraming salamat po!
BARANGAY CAYAOAN
Sa pamumuno ni Punong Barangay Ralph Sherwin Kieffer Abalos at ng Sangguniang Barangay