06/09/2026
September 6, 2026| BAWAT BARANGAY MANGINGINABANG PROGRAM
Pagpapaigting ng Serbisyo Publiko at Tapat na Paggamit ng Pondo ng Barangay
Ipinababatid po sa lahat ng ating mga kabarangay na ang ₱100,000.00 na pondong ipinagkaloob sa ilalim ng Bawat Barangay Manginginabang Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) ay isinailalim sa wastong proseso at naaayon sa layunin ng programa at sa mga umiiral na alituntunin sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapabuti ang serbisyo sa ating komunidad, ang nasabing pondo ay inilaan para sa pagpapa-purchase ng isang BRAND NEW E-TRIKE na magiging karagdagang kagamitan ng barangay para sa paghahatid ng mas mabilis, episyente, at accessible na serbisyo sa ating mga residente. 🛺⚡
Ang e-trike ay maaaring gamitin, alinsunod sa mga itinakdang patakaran at awtorisasyon ng barangay, para sa mga sumusunod na layunin:
Emergency response at disaster preparedness – para sa agarang pagresponde at paghahatid ng kinakailangang tulong sa panahon ng emergency at kalamidad;
Pagdadala ng relief goods at iba pang assistance – para sa distribusyon ng mga pangunahing pangangailangan at programang pang-ayuda ng barangay;
Suporta sa senior citizens, PWDs at iba pang vulnerable sectors – lalo na sa mga gawaing nangangailangan ng transportasyon at agarang assistance;
Barangay programs and activities – para sa transportasyon ng mga kagamitan at iba pang pangangailangan sa pagpapatupad ng mga opisyal na programa;
Iba pang lehitimo at awtorisadong barangay functions na direktang makatutulong sa kapakanan ng ating mga kabarangay.
TRANSPARENCY AT ACCOUNTABILITY
Bilang inyong lingkod, mahalaga sa ating pamunuan ang malinaw, responsable, at transparent na paggamit ng pondo ng bayan. Ang bawat hakbang sa procurement at acquisition ng e-trike ay isinasagawa alinsunod sa mga kinakailangang proseso, dokumentasyon, at umiiral na government procurement and accounting rules.
Ang mga kaukulang dokumento at impormasyon hinggil sa proyekto ay pananatilihing maayos at available alinsunod sa mga patakaran sa transparency, accountability, at public financial management.
Ang e-trike ay isang public asset at hindi pag-aari ng sinumang opisyal. Ito ay para sa serbisyo ng buong barangay at gagamitin lamang para sa mga lehitimo at awtorisadong gawain na makikinabang ang ating komunidad.
Patuloy nating isusulong ang isang barangay na may tapat na pamamahala, wastong paggamit ng pondo, at serbisyong tunay na para sa bawat kabarangay.
Maraming salamat po sa inyong tiwala, pakikiisa, at patuloy na suporta.
🇵🇭 Tapat na Pamamahala. Wastong Paggamit ng Pondo. Serbisyong Para sa Lahat.