10/05/2025
Isang Bukas na Liham Para sa Aking Minamahal na Camalaniugeños:
Mga kababayan kong minamahal sa Camalaniugan,
Ngayon ang huling araw ng kampanya. Ilang linggo na tayong magkakasama sa bawat kanto, kalsada, at tahanan. Ilang beses na tayong kumatok sa inyong mga pintuan, nakipagkamay, nakipagkwentuhan, at higit sa lahat, nakinig sa inyong mga hinaing, pangarap, at pag-asa.
Ginawa na po namin ang lahat. Lahat ng dapat sabihin ay nasabi na. Lahat ng dapat ipaliwanag ay ipinaliwanag na. Ang aming lakas, pawis, oras, at puso—lahat ay inialay namin para sa kampanyang ito. Hindi ito naging madali, ngunit naging makabuluhan. Dahil sa bawat ngiti, sa bawat kwento, sa bawat yakap ng suporta—kayo ang naging lakas namin.
Hindi ito laban para sa posisyon.
Hindi ito laban para sa kapangyarihan.
Ito ay laban para sa kinabukasan ng ating mga anak.
Ito ay laban para sa kaunlaran ng bawat pamilya.
Ito ay laban para sa Camalaniugan na matagal na nating pinapangarap.
Sa lahat ng naniwala sa amin,
Sa lahat ng tumanggap sa amin ng bukas-palad,
Sa lahat ng yumakap sa aming layunin—
Agyaman kami unay!
Sa huling pagkakataon,
Humihiling ako ng inyong tiwala.
Samahan ninyo po ako sa laban na ito.
Tayo ang magdadala ng tunay na pagbabago.
Tayo ang magiging tinig ng bawat isang tahimik ngunit may pusong nagmamahal sa bayan.
Tayo ang magpapatuloy ng tapat, tunay, at pusong paglilingkod.
Para sa Camalaniugan.
Para sa kinabukasan.
Para sa panibagong simula.
Mahal ko kayo.
Mahal ko ang Camalaniugan.
Maraming salamat, at mabuhay tayong lahat!
Sa magsasaka, may pag-asa ang Masa!
Aramid pakakitaan! Rosario Latta! Numero uno sa Serbisyo, Numero Uno sa Balota!
⚫️ 1. Rosario, Jamuel