10/06/2026
📢 ISKOLARSHIP PARA SA MGA PAMILYA NG MAGNINIYOG
Nakatanggap ang Pamahalaang Bayan ng Caluya ng paanyaya mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) kaugnay ng Information Caravan para sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) Scholarship Program na gaganapin sa Hunyo 16, 2026 sa University of Antique – Main Campus.
Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mga kwalipikadong anak at dependents ng mga rehistradong magniniyog sa pamamagitan ng scholarship assistance.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapaunlad ang kabuhayan at kinabukasan ng mga pamilyang umaasa sa industriya ng niyog.