Barangay Iba O' Este, Calumpit, Bulacan

Barangay Iba O' Este, Calumpit, Bulacan The Official page of Barangay Iba O' Este, Calumpit, Bulacan

📢 ADVISORY MULA SA BARANGAY IBA O' ESTEPAHALAGAHAN ANG INYONG TUBIG AT BUDGET SA PANAHON NG KALAMIDADMula sa opisyal na ...
20/08/2026

📢 ADVISORY MULA SA BARANGAY IBA O' ESTE
PAHALAGAHAN ANG INYONG TUBIG AT BUDGET SA PANAHON NG KALAMIDAD
Mula sa opisyal na abiso ng Calumpit Water District (CWD), ipinapaalala po sa lahat ng ating mga kabarangay—lalo na sa mga pamilyang pansamantalang lumikas dahil sa baha—ang tungkol sa Temporary Disconnection ng Water Service.
🔹 Bakit mahalagang magpa-Temporary Disconnection kung nakalikas?
Iwas-Abono: Pipigilan nito ang pag-ikot ng metro at ang pagpatak ng bill sa panahong wala kayo sa bahay.
Iwas-Clogged/Tagas: Maiiwasan ang aksidenteng pagtagas ng tubig sakaling masira ang mga linya dahil sa baha.
🔹 Paano mag-asika*o?
Inaanyayahan po ang mga apektadong tagatangkilik na makipag-ugnayan sa Management ng Calumpit Water District para sa tamang proseso:
Tanggapan: M. Serrano St., Corazon, Calumpit, Bulacan
Hotline: (044) 815-2584 | 913-0079 | 913-0080 | 769-3053
Email: [email protected]
Website: www.calumpitwd.gov.ph
Mag-ingat po ang lahat!

📢 MAHALAGANG ANUNSYO SA ATING MGA KABARANGAY 📢Dahil lubog pa rin sa tubig-baha ang ating Barangay Hall, ang ating Tempor...
13/08/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO SA ATING MGA KABARANGAY 📢

Dahil lubog pa rin sa tubig-baha ang ating Barangay Hall, ang ating Temporary Barangay Office ay matatagpuan muna sa Balai Zoilo Teresita Private Resort and Events Place.

Patuloy po ang ating
paghahatid ng serbisyo at pag-asika*o sa inyong mga pangangailangan at transaksyon sa kabila ng sitwasyon.

Maging ligtas po ang lahat! Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

- KAP. ALEX MANIO AT SANGGUNIANG
BARANGAY

📢 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAYPara po sa kaligtasan at kalusugan ng ating komunidad, ang Sangguniang Barangay ay magb...
09/08/2026

📢 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY

Para po sa kaligtasan at kalusugan ng ating komunidad, ang Sangguniang Barangay ay magbibigay ng LIBRENG DOXYCYCLINE para sa mga nangangailangan ng proteksiyon laban sa leptospirosis.

📍 Maaari po kayong kumuha sa mga sumusunod na lugar:

Barangay Hall – Sitio Banawe
Barangay Outpost – harap ng kanto ng NV9

Hinihikayat po ang lahat na mag-ingat, lalo na sa paglusong sa baha at paghawak sa maruming tubig.

Ang kalusugan ng bawat kabarangay ay mahalaga sa atin.
Sama-sama po tayong mag-ingat at magmalasakit sa isa’t isa. 💙

Maraming salamat po at ingat po tayong lahat!

—Kap Alex Manio at Sangguniang Barangay Iba O’Este💚🧡

Naipamahagi na ngayong araw ang ating mga libre at sariwang aning gulay mula sa Barangay Iba O' Este Community Garden!Ma...
08/08/2026

Naipamahagi na ngayong araw ang ating mga libre at sariwang aning gulay mula sa
Barangay Iba O' Este Community Garden!

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at maagang pumunta.🤗

Dahil sa sipag ng ating mga kawani, may pang-gisa, pang-bulanglang, at pang-torta na ang bawat pamilya!
Hanggang sa susunod na anihan! 💚🧡



Taos-pusong pagbati sa ating mga kabarangay na nag-uwi ng tagumpay mula sa Calumpit Next Top Model 2026:👑 Ms. Jeriza Adr...
05/08/2026

Taos-pusong pagbati sa ating mga kabarangay na nag-uwi ng tagumpay mula sa Calumpit Next Top Model 2026:

👑 Ms. Jeriza Adriano – TITLE HOLDER

✨ Mr. Charlie Laython De Guzman – 1st Runner Up

✨ Mr. Dave Tuante – 3rd Runner Up

Ang inyong angking talino, ganda, karisma, at natatanging husay ay patunay lamang na ang Barangay Iba O Este ay tahanan ng mga tunay na kampeon at ehemplo ng kabataan. Maraming salamat sa pagbibigay ng karangalan sa ating Barangay!🧡💚

Isang pagpupugay mula kay Kap. Alex Manio, SK Christian Coronel , at sa Buong Sangguniang Barangay!🤗👏




🥦 SARIWANG GULAY NA LIBRE, PARA SA PAMILYANG IBA O’ESTE! 🍆Alaga ng ating masisipag na kawani,Ngayon ay handa nang ipamah...
04/08/2026

🥦 SARIWANG GULAY NA LIBRE, PARA SA PAMILYANG IBA O’ESTE! 🍆

Alaga ng ating masisipag na kawani,
Ngayon ay handa nang ipamahagi ang ani!
Pang-gisa, pang-bulanglang, o pang-pakbet man 'yan,
Hatid ng Barangay Iba O' Este Community Garden sa bawat mamamayan!

📌 Kailan: Agosto 8, 2026 (Sabado)
🕖 Oras: 7:00 AM
📍 Saan: Community Garden, Purok 2

Agahan ang punta at huwag nang magpahuli,

Dahil FIRST COME, FIRST SERVE ang ating pamamahagi ngayong Sabado!

See you! 💚🧡




SAMAHAN NG MAGSASAKA**GENERAL ASSEMBLY**Ayon po sa revised Philippine Council For Agriculture and Fisheries (PCAF) Guide...
02/07/2026

SAMAHAN NG MAGSASAKA

**GENERAL ASSEMBLY**

Ayon po sa revised Philippine Council For Agriculture and Fisheries (PCAF) Guidelines ng Department of Agriculture (DA), Ang ating Barangay Agriculture and Fishery Council (BAFC) ng barangay ng iba o’ este, matapos ang ikatlong taon (2023-2026) ay MAGKAKAROON PONG MULI NG HALALAN ngayong darating na HULYO 7, 2026 GANAP NA IKA-2 NG HAPON na gaganapin sa ating COVERED COURT SA SITIO BANAWE, PUROK 2.

MARIIN PONG INAANYAYAHAN ANG LAHAT NG MIYEMBRO NA MAGTUNGO SA ATING COVERED COURT SA ITINAKDANG PANAHON. MAHIGPIT PONG IPINAGBABAWAL ANG PAGPAPADALA NG KINATAWAN O “REPRESENTATIVE”, HINDI KIKILALANIN O I “VAVALIDATE” ANG INYONG BOTO AT PARA SA MGA MIYEMBRONG HINDI MAKAKABOTO SILA PO AY MAARING MAWAWALAN NG PREBILEHIYO SA MGA PROGRAMANG PANG AGRIKULTURA

MARAMING SALAMAT PO.

🐶🐱 MASSIVE ANTI-RABIES VACCINATION 2026 💉Magandang araw, mga ka-Barangay!Bilang bahagi ng programa ng Tanggapan ng Pamba...
16/06/2026

🐶🐱 MASSIVE ANTI-RABIES VACCINATION 2026 💉

Magandang araw, mga ka-Barangay!

Bilang bahagi ng programa ng Tanggapan ng Pambayang Pagsasaka ng Bayan ng Calumpit, magkakaroon ng LIBRENG Anti-Rabies Vaccination para sa ating mga alagang a*o at pusa sa ika Hunyo 18, 2026 simula 8:00 AM.

📍 Mga Vaccination Station:

✅ Purok 1 & 2 – Eagle Fuel
✅ Northville 9 – Multi-Purpose Hall / Brgy. Tanod Headquarters
✅ Purok 3 & 4 – Kanto ng Purok 4
✅ Purok 5 & 6 – Sta. Cruz Chapel

📌 Paalala:
• Paliguan ang inyong alagang a*o o pusa bago dalhin sa vaccination site.
• Siguraduhing may tali o carrier ang inyong alaga para sa kaligtasan ng lahat.
• Dalhin ang inyong mga alagang a*o at pusa sa pinakamalapit na vaccination station sa inyong lugar.

Sama-sama nating protektahan ang ating mga alaga at ang buong komunidad laban sa rabies. 🐾





Address

Barangay Barangay Iba O' Este
Calumpit
3003

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Iba O' Este, Calumpit, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share