Calumpit Municipal Health Office

Calumpit Municipal Health Office Government office in Calumpit, Bulacan that leads on public health.

03/03/2026

π—Ÿπ—œπ—•π—₯π—˜π—‘π—š π—–π—›π—˜π—¦π—§ 𝗫-π—₯𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗧𝗕 𝗦𝗖π—₯π—˜π—˜π—‘π—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬! 🧑🩻 Mga kababayan, prayoridad po natin ang kalusugan ng bawat CalumpiteΓ±o! Sa pakikipagtulungan ng ating Municipal Health Office (MHO) at ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, hatid po namin ang libreng serbisyo para sa inyo.

Magsisimula ang serbisyo sa ganap na 8:30 AM sa mga sumusunod na lokasyon: MARCH 5 sa Buguion (Aglipay Church). Sa darating na MARCH 9 ay nasa San Miguel (Barangay Health Station). Sa MARCH 16, sabay tayong magkikita sa Frances (Covered Court) at Iba O’ Este (Covered Court). At sa MARCH 30, ang mobile clinic ay nasa Meysulao (Barangay Health Station).

Hinihikayat po natin ang mga may edad na 60 pataas, ang mga naninigarilyo o smokers, at ang mga may sakit na Diabetes (DM) na magpasuri para sa inyong kaligtasan.

Huwag kalimutang ibahagi ang impormasyong ito sa inyong mga kapamilya at kapitbahay! Ang maagang pagsusuri ay susi sa mas malusog na pangangatawan. Ingat po tayo, CalumpiteΓ±os!

Ang Bayan ng Calumpit ay buong pagmamalaking tumanggap ng 93% na rating at opisyal na kinikilalang Functional Municipal ...
19/11/2025

Ang Bayan ng Calumpit ay buong pagmamalaking tumanggap ng 93% na rating at opisyal na kinikilalang Functional Municipal Epidemiology and Surveillance Unit (MESU).

Sa ngalan ng aming Municipal Health Officer, Dr. Rizallie L. Santos-Lucas, at ng buong Municipal Epidemiology and Surveillance Unit, ipinapaabot namin ang taos-pusong pasasalamat sa aming minamahal na Punong Bayan, Kgg. Glorime M. Faustino, para sa kanyang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagpapatibay ng epidemiology, surveillance, at lahat ng aming mga programang pangkalusugan.

Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa ating pinagsamang hangarin na mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat CalumpiteΓ±o.



10/11/2025

🚨 FIRST AID SA HYPOTHERMIA SAKALING MATAGAL NA MABABAD SA ULAN AT HANGIN🚨

Kapag nakapansin ng senyales ng hypothermia o labis na panlalamig dahil sa pagkakababad sa ulan at malakas na hangin, agad na humingi ng tulong o tumawag sa National Emergency Hotline 911.

Habang naghihintay ng rescue, maaaring gawin ang mga sumusunod para maiwasan ang komplikasyon ng hypothermia.





09/11/2025

π—›π—’π—§π—Ÿπ—œπ—‘π—˜! πŸ§‘β›ˆοΈβš οΈ Narito ang Hotline Number ng ating Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sa anumang tulong kaugnay sa ngayong patuloy na nararanasan natin ang bagsik ng Super Typhoon .

Manatili po tayong ligtas, mga kababayan!

09/11/2025
09/11/2025

Dahil sa Super Typhoon Uwan, ilan sa ating mga kababayan ang lumikas na at kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Narito ang ilang paalala para sa malinis at ligtas na evacuation center.





Address

Municipal Compound, Balungao
Calumpit
3003

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calumpit Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share