30/07/2023
BREAKING NEWS: Calumpit, Bulacan: Kasalukuyang Nasa Ilalim ng STATE OF CALAMITY ‼️
‼️BREAKING NEWS: Calumpit, Bulacan: Kasalukuyang Nasa Ilalim ng STATE OF CALAMITY.
LALAWIGAN NG BULACAN -- Ganap ng inanunsyo ng ating Punong Bayan Glorime "Lem" Faustino ngayon na ang buong munisipalidad ng Calumpit ay kasalukuyang nasa ilalim na ng STATE OF CALAMITY. Ang anunsyo ay ginawa matapos pirmahan ng Sangguniang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan Zacarias Candelaria, ang Municipal Resolution #133-2023.
Ang pagdeklara ay batay sa kamakailang ulat na natanggap mula ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Municipal Social Welfare and Development Office na ang mga barangay na lalo na ang mga nasa tabi ng kailugan at mababang lugar ay lubog na at hindi na madaanan.
Ang mga naiulat na pinsalang naidulot sa mga agrikultural na pananim ay umaabot sa 187.5 ektarya ng palay at 1.35 ektarya ng gulay, na may kabuuang halagang P3,103,560.40, at ang pinsala sa mga pangingisda ay umaabot na sa P640,000.00.
Naitala rin ang mga pinsala sa mga pangunahing kalsada at barangay sa ilang barangay ng ating Bayan ng Calumpit.
Ayon sa opisyal na pinakabagong datos mula sa ating Pamahalaang bayan ay tinatayang 29,400 pamilya o 115,333 indibidwal ang apekatdo ng baha at hindi pa naka-evakweyt sa kanilang mga designated na lugar. Sa bilang na ito, 509 pamilya o 1,725 indibidwal kasalukuyang nananatili sa 16 evacuation site sa ating buong Munisipalidad.
Sa pagdedeklara ng estado ng kalamidad ay tiniyak ng ating lokal na pamahalaan bayan at ng buong sangguniang bayan na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya at ilalaan ang kanilang mga resources upang mabilis na makapagresponde at magbigay ng kinakailangang tulong, relief, at rehabilitasyon sa lahat ng mga residenteng naapektuhan sa Calumpit.