05/08/2026
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐:๐งก Dahil sa patuloy na epekto ng Bagyong at sa inaasahang tuloy-tuloy na pag-ulan, kasabay ng patuloy na pagbaba ng tubig mula sa Pampanga River patungo sa ating kailugan na maaaring magdulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa ilang bahagi ng ating bayan, minarapat ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit na magsagawa ng kaukulang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan.
Kaugnay nito, batay sa rekomendasyon ng Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), at ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ngayong Huwebes, Agosto 6, 2026.
Patuloy nating mino-monitor ang lagay ng panahon, antas ng tubig sa ibaโt ibang barangay, at ang mga ulat mula sa mga kinauukulang ahensya. Nananatiling nakaantabay ang ating MDRRMO, rescue teams, at iba pang tanggapan upang agad na makatugon sa anumang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Hinihiling ko ang pakikiisa ng lahat. Hanggaโt maaari ay iwasan ang hindi kinakailangang paglabas, manatiling mapagmatyag, at patuloy na sundan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit.
Ang kaligtasan ng bawat pamilyang Calumpiteรฑo ang ating pangunahing prayoridad.