Bayan ng Calumpit

Bayan ng Calumpit Municipality of Calumpit Official page
Mayor Glorime "LEM" M. FAUSTINO Municipal Officials

Mayor Glorime “Lem” M. Faustino
Vice Mayor Zacarias “Zar” C.

Candelaria
Coun. Rico John L. Pagdanganan
Coun. Thelma A. Dansalan
Coun. Luceria D. Diego
Coun. Ricky L. Viray
Coun. Agnes A. Pangan
Coun. Romeo M. Bernardino, Jr. Coun. Alvin N. Danganan
Coun. Maureen I. Torres

𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧: 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗜𝗧, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗨𝗡𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 🧡🚔🫡 Patul...
29/05/2026

𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧: 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗜𝗧, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗨𝗡𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 🧡🚔🫡 Patuloy ang masigasig na pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa ating minamahal na bayan. Sa ilalim ng direktiba at masiglang pamumuno ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, katuwang ang PNP Calumpit sa pamumuno ni PLTCOL Leopoldo Estorque, matagumpay na naisakatuparan ang magkakahiwalay na operasyon laban sa kriminalidad at ilegal na droga sa nakalipas na mga linggo.

Unang naitala ang pagkakadakip sa suspek sa likod ng naganap na insidente ng pagnanakaw o break-in sa KFC Calumpit Branch. Ang suspek na kilala sa alyas na "Jc" ay naaresto noong Abril 15, 2026, kung saan nahaharap ito sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 9516 o ang mga panuntunan sa pagmamanupaktura at pag-iingat ng mga pampasabog at armas.

Kasunod nito, hindi nagpaawat ang ating kapulisan sa kampanya laban sa ilegal na droga. Noong Mayo 20, 2026, isang Street Level Individual o SLI-Listed drug suspect ang matagumpay na naaresto sa pamamagitan ng isang mabilisang buy-bust operation dahil sa paglabag sa RA 9165.

Kinabukasan, noong Mayo 21, 2026, isa pang SLI-listed drug suspect ang muling nalambat sa isa pang hiwalay na buy-bust operation sa ilalim pa rin ng parehong paglabag sa batas.

Lubos ang pagbati at pagsaludo ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, sa buong puwersa ng PNP Calumpit sa pangunguna ni PLTCOL Leopoldo Estorque. Ang sunod-sunod na tagumpay na ito ay malinaw na patunay ng walang-humpay na dedikasyon ng ating mga kapulisan upang panatilihing ligtas, tahimik, at maayos ang bawat sulok ng Calumpit.

Muli ring nananawagan ang lokal na pamahalaan sa kooperasyon ng bawat mamamayan. Ang kapayapaan at kaayusan ay makakamit natin kung tayo ay magtutulungan at mananatiling alerto para sa kaligtasan ng ating komunidad.

29/05/2026

𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗜𝗧𝗘𝗡̃𝗔, 𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗥𝗦. 𝗨𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲! 🧡👑 Mga minamahal kong Calumpiteño at mga kababayan sa buong Lalawigan ng Bulacan, isang napakalaking karangalan para sa ating bayan na ang ating mismong kababayan na si Dra. Ria Liza C. Canlas ang opisyal na magsisilbing boses, talino, at mukha ng buong Bulacan bilang Mrs. Universe - Bulacan 2026!

Patunay si Dra. Ria na ang natatanging ganda ng isang Calumpiteña ay hindi lamang panlabas, kundi nagmumula sa kanyang busilak na puso, matalas na kaisipan, at dangal sa paglilingkod. Kaya naman buong-puso natin siyang susuportahan sa kanyang laban sa pambansang entablado.

Sabay-sabay nating ipagmalaki at ipagdasal ang tagumpay ng ating pambato sa kanyang darating na laban. Ipanalo ang talino at dangal ng Lalawigan ng Bulacan!

Sama-sama tayo sa labang ito, Dra. Ria! Kasama mo ang buong Calumpit at Bulacan sa darating mong laban!

29/05/2026

𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗜𝗧𝗘𝗡̃𝗔, 𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗖𝗔𝗡! 🧡👑 Isang karangalan na makaharap at personal na batiin ang ating napakaganda at matalinong "Paraluman ng Calumpit 2026" na si Jeriza Maye F. Adriano mula sa Barangay Iba O'Este.

Nitong nakaraang courtesy call sa ating Pamahalaang Bayan, muling napatunayan ang galing at husay na taglay ng mga Calumpiteño. Ang iyong tagumpay ay tagumpay ng buong bayan, at kaisa mo kami sa bawat hakbang patungo sa korona para sa dangal ng ating dakilang Byan ng Calumpit.

Muli nating ipakita ang ating pagkakaisa at buong pusong suporta para sa ating pambato na si Jeriza Maye F. Adriano sa nalalapit niyang laban ngayong June 14 bilang kinatawan ng ating bayan sa G*t at Paraluman ng Bulacan 2026.


*tAtParalumanNgBulacan2026

28/05/2026

𝗥𝗔𝗣𝗜𝗗𝗘 𝗔𝗨𝗧𝗢 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗘𝗫𝗣𝗘𝗥𝗧𝗦 – 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗜𝗧, 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔!🧡 Isang panibagong simbolo ng pag-unlad at oportunidad ang opisyal na pagbubukas ng Rapide Auto Service Experts na matatagpuan sa 251 Pulilan–Calumpit Regional Road, Sto. Niño, Calumpit, Bulacan.

Hindi lamang ito dagdag na serbisyo para sa mga motorista at mga Calumpiteño, kundi isa ring patunay na patuloy na lumalakas ang tiwala ng mga negosyo at mamumuhunan sa kakayahan at potensyal ng ating bayan.

Sa bawat bagong establisyementong nagbubukas, kaakibat nito ang panibagong hanapbuhay, dagdag na oportunidad para sa ating mga kababayan, at mas masiglang lokal na ekonomiya. Ang ganitong mga proyekto ay bunga ng sama-sama nating pagsisikap tungo sa isang mas progresibo, mas matatag, at mas maunlad na Calumpit.

Patuloy nating suportahan ang mga programang nagdadala ng serbisyo, trabaho, at kaunlaran para sa bawat Calumpiteño.

28/05/2026
𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗙𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗔𝗧 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗜𝗧. 🧡 Matagumpay na inilunsad ng ...
28/05/2026

𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗙𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗔𝗧 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗜𝗧. 🧡 Matagumpay na inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit, sa pangunguna ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, katuwang ng ating Municipal Nutrition Office, ang Supplementary Feeding Program 2026 at Nutrition Education na ginanap sa Calumpit Municipal Covered Court bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ng mga batang Calumpiteño.

Dinaluhan ng mga magulang, kabataan, child development workers, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ang nasabing programa na naglalayong mapabuti ang nutrisyon ng mga bata at mapalawak ang kaalaman ng bawat pamilya hinggil sa kahalagahan ng tamang pagkain at malusog na pamumuhay.

Naniniwala tayo na ang wastong nutrisyon ay pundasyon ng mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat batang Calumpiteño. Kalakip din ng programa ang pamamahagi ng mga food packs at iba pang suporta para sa mga benepisyaryo.

Patuloy ang Bayan ng Calumpit sa pagpapatupad ng mga programang nakasentro sa kalusugan, kapakanan, at kinabukasan ng mamamayan.

28/05/2026
28/05/2026

𝗜𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗗𝗜𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔! 🧡🇵🇭 Ngayong National Flag Day, buong puso kong pinupugayan ang ating watawat ng Pilipinas—simbolo ng ating kalayaan, pagkakaisa, katapangan, at pagmamahal sa bayan. Nawa’y magsilbi itong paalala sa bawat Calumpiteño na patuloy nating pangalagaan ang diwa ng pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit, at tapat na paglilingkod sa kapwa.

Bilang inyong Ina ng Bayan, ipinagmamalaki ko ang ating mayamang kasaysayan bilang isa sa mga bayan na naging saksi sa pakikibaka at tagumpay ng ating bansa. Patuloy nating itaas ang bandila ng Calumpit at ng Pilipinas sa pamamagitan ng mabubuting gawa at sama-samang pagsusulong ng isang mas maunlad at makabayang kinabukasan.

Maligayang National Flag Day sa ating lahat!
Mabuhay ang Bayan ng Calumpit!
Mabuhay ang Pilipinas!

27/05/2026

𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗔𝗧𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝗣𝗥𝗢𝗙. 𝗠𝗔𝗥𝗪𝗜𝗡! 🧡🇵🇭✈️ Buong puso kong ipinapaabot ang aking taos-pusong pagbati kay Prof. Marwin M. Dela Cruz, PhD, sa kanyang pagkakahalal bilang kauna-unahang Pangulo ng National Aviation Academy of the Philippines (NAAP). Isa po itong napakalaking karangalan hindi lamang para sa inyong pamilya kundi para sa buong Bayan ng Calumpit.

Bilang ama ng ating minamahal na Konsehal GEM Dela Cruz, tunay pong kahanga-hanga ang inyong dedikasyon, husay, at pamumuno na ngayon ay kinikilala sa pambansang antas. Ang inyong tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat Calumpiteño na nangangarap makapaglingkod at makapagbigay ng dangal sa bayan.

Lubos din po ang aking pasasalamat kay Senator Joel Villanueva sa patuloy na suporta at tulong para maisakatuparan ang mahalagang pagkakataong ito para sa ating kababayan.

Muli, congratulations po, President Marwin M. Dela Cruz, PhD! Ipinagmamalaki kayo ng Bayan ng Calumpit. Nawa’y lalo pa ninyong maitaas ang bandera ng husay at paglilingkod ng mga Calumpiteño sa larangan ng edukasyon at aviation dito man sa ating bansa at sa buong mundo.

26/05/2026

𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔. 🧡🌙 Isang mapagpala at makabuluhang Eid al-Adha sa ating mga kapatid na Muslim dito sa ating dakilang Bayan ng Calumpit at sa buong mundo!

Ngayong araw ng "Feast of Sacrifice," muli nating isinasapuso ang diwa ng pagpapakasakit, katapatan, at walang kapantay na pananampalataya tulad ng paalala sa atin ng Banal na Qur'an: "Indeed, Allah is with those who fear Him and those who are doers of good.” (16:128).

Bilang inyong Ina ng Bayan, nawa'y ang pagdiriwang na ito ay magsilbing inspirasyon sa atin na patuloy na magmalasakit, magbigay ng tulong sa mga nangangailangan, at magkaisa anuman ang ating paniniwala.

Sa pagmamahalan at pagrespeto sa isa't isa, sama-sama nating itataguyod ang isang mas matatag at mapayapang komunidad.

Isang ligtas at mapayapang pagdiriwang sa inyong lahat! Eid Mubarak!


Address

Balungao
Calumpit
3003

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayan ng Calumpit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share