07/07/2026
ɴᴜᴛʀɪᴛɪᴏɴ ᴍᴏɴᴛʜ 2026: ᴄᴏᴍᴍᴜɴɪᴛʏ ᴄʟᴇᴀɴ-ᴜᴘ ᴅʀɪᴠᴇ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!", nagsagawa tayo ng Community Clean-up Drive kasama ang ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay 176-B BESO Department , Street Sweepers Department, Market Administration Office, mga Kagawad Staff, Sangguniang Kabataan (SK), at ang ating Sangguniang Barangay.
Ang gawaing ito ay hindi lamang naglalayong mapanatiling malinis ang ating komunidad, kundi nagsisilbi ring paalala sa ating lahat na ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan ay magkaugnay. Sa sama-samang pagkilos, masisiguro natin ang isang mas malinis, mas ligtas, at mas malusog na pamayanan para sa bawat isa.