18/07/2026
HATID TULONG PROGRAM! ❤️♿
Walang oras na sinasayang basta para sa kapakanan ng ating mga kabarangay. Sa kahilingan ng ating kaibigang si Myra Solidum para sa kanyang Ate Maritess Amante, agad nating tinugunan upang maihatid ang wheelchair na kanyang kailangan.
Salamat sa walang sawang suporta ni Cong. Egay Erice at sa dedikasyon ng ating TEAM BOLIVAR na kasama nating nag-abot ng tulong: sina Rombelle Kuya Rbee David , Baby Jordan , Moy Galope , Mark Galgana , Fe Daylo Enclona , at ang inyong lingkod, Kagawad Richiel Bolivar .
Ang makita ang mga ngiti at ginhawa sa ating mga kababayan ang tunay na premyo ng ating paglilingkod. Patuloy po tayong magkakaisa para sa mas maginhawang komunidad!