31/12/2025
ANTI-NOISE POLLUTION CAMPAIGN
Ireport sa Caloocan City Police Station (CCPS) o sa inyong barangay ang mga nag-iingay at nanggugulo sa inyong mga komunidad para mapanatiling masaya at maayos ang pagsalubong sa 2026.
Nakapaloob sa Republic Act 386 (Civil Code of the Philippines), Republic Act 8749 (Clean Air Act), at Caloocan City Ordinance 0643 s. 2016 ang mga sumusunod:
🎉 Iwasan ang paggawa ng anumang ingay na makaka-abala sa mga kapit-bahay at makaka-istorbo sa kapayapaan ng inyong komunidad, lalo na kapag dis-oras ng gabi.
🎉 Pinapayagan lamang ang mga kantahan at videoke mula 10:00am hanggang 10:00pm, maliban na lamang kung mayroong espesyal na okasyon.
🎉 Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga ilegal na paputok at mga open-pipe motorcycle.
🎉 Para sa mga insidente ng pag-iingay na labag sa batas o sa lokal na ordinansa, i-report kaagad sa kinauukulan o sa (02)888-25664 o 0908-81-25664. Maaari ring tumawag sa CCPS sa 0998-59-87862.
Mga Batang Kankaloo, ngayong Bagong Taon, panatilihin natin ang pagiging responsable at magbigay ng konsiderasyon sa ating mga kapit-bahay at sa buong komunidad.