14/08/2026
Pasasalamat sa Solemn Installation ni Rev. Fr. Agung Nugraha, SS.CC.
Isang taos-pusong pasasalamat sa pagkakataong makadalo sa Solemn Installation of Rev. Fr. Agung Nugraha, SS.CC. bilang Parish Priest, na pinangunahan sa Banal na Misa ng ating minamahal na Bishop ng Diocese of Novaliches, Most Rev. Roberto O. Gaa, D.D.
Isang makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa ating pamayanan.
Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at pagbabahagi ng mahalagang sandaling ito. Kasama ang ating Butihing Punong Barangay Kapitan Vic Marc Sibayan, patuloy nating sinusuportahan ang mga gawaing nagpapalalim ng ating pananampalataya at pagkakaisa.
🙏 Mabuhay po kayo, Rev. Fr. Agung Nugraha, SS.CC.! Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon sa inyong bagong tungkulin at paglilingkod.
Ang Inyo Pong Lingkod:
Kagawad Jerry Tugay Abito
“Serbisyong May Malasakit at Tama Para sa Mamamayan.”