Sangguniang Kabataan ng 128 - Barrio San Jose, Caloocan City

Sangguniang Kabataan ng 128 - Barrio San Jose, Caloocan City Progresibong Kabataan sa Modernong Panahon Maaasahan

π‚πšπ₯𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧 π„π¦πžπ«π πžπ§πœπ² 𝐇𝐨𝐭π₯𝐒𝐧𝐞: πŸ–πŸ–πŸ–-π€π‹πŽππ† (πŸπŸ“πŸ”πŸ”πŸ’) ☎️Sa oras ng pangangailangan ng ambulansya, medics, pulis, o bumbero, tuma...
17/08/2026

π‚πšπ₯𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧 π„π¦πžπ«π πžπ§πœπ² 𝐇𝐨𝐭π₯𝐒𝐧𝐞: πŸ–πŸ–πŸ–-π€π‹πŽππ† (πŸπŸ“πŸ”πŸ”πŸ’) ☎️

Sa oras ng pangangailangan ng ambulansya, medics, pulis, o bumbero, tumawag lamang po sa ating emergency hotline na 888-ALONG (25664).

Pinaaalalahanan ang lahat na asahan ang malalakas na pag-ulan sa susunod na mga oras, na posibleng magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang pinakamahalaga. Maging handa at mag-ingat sa lahat ng oras.

07/08/2026

Bawat kagamitan ay hakbang tungo sa mas mahusay na paglilingkod. Para sa kabataan, para sa barangay.

*No copyright infringement intended. This video is created to document and share community activities. All music credits belong to their respective copyright owners.

TINGNAN | OPISYAL NA TURNOVER NG MGA KAGAMITAN PARA SA SANGGUNIANG KABATAANIsinagawa ang opisyal na turnover ng printer,...
07/08/2026

TINGNAN | OPISYAL NA TURNOVER NG MGA KAGAMITAN PARA SA SANGGUNIANG KABATAAN

Isinagawa ang opisyal na turnover ng printer, xerox machine, at laptop para sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ng SK Council sa pangunguna ni SK Chairman Angelo MaaΓ±o, sa gabay at pakikipag-ugnayan kay Kap Anthony Borja Lopez at ng buong Sangguniang Barangay.

Ang mga kagamitang ito ay magsisilbing mahalagang kagamitan upang mas mapabilis at mas mapahusay ang paghahatid ng serbisyo, paggawa ng mga dokumento, at pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa kabataan ng ating barangay.

Patunay ito na ang buwis ng mamamayan ay napupunta sa mga proyektong may konkretong pakinabang. Sa pamamagitan ng maayos na pamamahala at responsableng paggamit ng pondo ng bayan, naibabalik ito sa komunidad sa anyo ng mga kagamitang magpapalakas sa serbisyo publiko.

Lubos ang aming pasasalamat kay Kap. Anthony B. Lopez, sa buong Sangguniang Barangay, at sa SK Council sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa kabataan. Ang proyektong ito ay sumasalamin sa ating hangarin na maging mas episyente, mas responsable, at mas handang maglingkod.

Ang bawat buwis ay may katumbas na serbisyo. Ang bawat pondo ay may katumbas na kaunlaran. Sama-sama nating ipagpatuloy ang tapat, mahusay, at makabuluhang paglilingkod para sa bawat kabataan at sa ating barangay.

Happy Birthday SKC Angelo!πŸ’™Wishing you continued success, strength, and inspiration in all that you do. Enjoy your day a...
18/06/2026

Happy Birthday SKC Angelo!πŸ’™

Wishing you continued success, strength, and inspiration in all that you do. Enjoy your day and have a wonderful celebration!

BALIK-SKWELA 2026: SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTIONIsang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang magi...
08/06/2026

BALIK-SKWELA 2026: SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang ating Balik-SKwela 2026: School Supplies Distribution.

Nawa’y makatulong ang mga school supplies na ito sa paghahanda ng ating mga mag-aaral para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Maraming salamat sa ating mga volunteers, SK Officials, Barangay Officials, at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang programang ito.

Patuloy nating suportahan ang edukasyon at kinabukasan ng kabataang Barangay 128. πŸ’™πŸ’›

BACK TO SCHOOL 2026! Maligayang pagbabalik-eskwela, mga kabataang mag-aaral ng Barangay 128!Nawa’y maging puno ng bagong...
08/06/2026

BACK TO SCHOOL 2026!

Maligayang pagbabalik-eskwela, mga kabataang mag-aaral ng Barangay 128!

Nawa’y maging puno ng bagong kaalaman, magagandang karanasan, at tagumpay ang panibagong taon ng pag-aaral para sa bawat isa.

Mula sa Bagong Barangay 128 at Sangguniang Kabataan Council, maligayang pagbabalik sa paaralan at mabuhay ang kabataang nangangarap!

ANNOUNCEMENT | Balik SKwela Postponement Dahil sa patuloy na masamang panahon, ang ating Balik-SKwela 2026: School Suppl...
05/06/2026

ANNOUNCEMENT | Balik SKwela Postponement

Dahil sa patuloy na masamang panahon, ang ating Balik-SKwela 2026: School Supplies Distribution ay ipinagpapaliban muna.

Ito ay itutuloy sa Hunyo 6, 2026 (Sabado).

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pag-iingat.

– Sangguniang Kabataan Council ng Barangay 128

TINGNAN | Paghahanda para sa Balik-SKwela 2026Isinasaayos na po namin ang mga school supplies na ipamamahagi bukas para ...
04/06/2026

TINGNAN | Paghahanda para sa Balik-SKwela 2026

Isinasaayos na po namin ang mga school supplies na ipamamahagi bukas para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng SK officials, volunteers, at mga tumulong upang maisakatuparan ang programang ito. Ang inyong suporta ay malaking tulong para sa kabataan ng Barangay 128.

REGISTRATION IS NOW CLOSED!Maraming salamat sa lahat ng nagpalista para sa ating School Supply Distribution 2026. Nakaab...
02/06/2026

REGISTRATION IS NOW CLOSED!

Maraming salamat sa lahat ng nagpalista para sa ating School Supply Distribution 2026. Nakaabot na po tayo sa itinakdang bilang ng beneficiaries.

Kita-kits po sa June 5, 2026! πŸ“

STATE OF THE KABATAAN ADDRESS 2026Kasabay ng ating Libreng Gupit at School Supply Distribution, inaanyayahan namin ang l...
01/06/2026

STATE OF THE KABATAAN ADDRESS 2026

Kasabay ng ating Libreng Gupit at School Supply Distribution, inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan na makiisa sa State of the Kabataan Address 2026.

Alamin ang mga nagawa, kasalukuyang programa, at mga susunod na plano ng inyong Sangguniang Kabataan para sa Barangay 128.

πŸ“… June 5, 2026
πŸ•’ 3:00 PM
πŸ“ Barangay 128 Hall

Address

Barangay 128, Caloocan City
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng 128 - Barrio San Jose, Caloocan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share