25/05/2026
Pinagtalunan noon ang baybay na โCaloocanโ at โKalookanโ?
Noong Hulyo 28, 1970, may ipinasang resolusyon na inaprubahan ni dating Vice Mayor Alejandro Fider upang gawing opisyal na gamit ang baybay na โKalookanโ sa lahat ng porma ng pakikipag-ugnayan ng pamahalaan, English man o Tagalog. Layunin nito na mapatibay ang pagkakakilanlan ng lungsod sa kabila ng hindi magkakatugmang pagbaybay sa pangalan nito dahil may gumagamit ng dalawang โCโ at mayroon ding gumagamit ng dalawang โK.โ
Maaaring iugnay ang pagsulong na ito sa impluwensiya ng paglakas ng nasyonalismo sa Pilipinas sa panahon ng post war, partikular noong huling bahagi ng 1940s hanggang 1970s. Sa panahong ito, lumaganap ang mga nagsusulong ng pagka-Pilipino sa ibaโt ibang aspekto. Nabuhay ang sining, literatura at wikang Filipino. Gayundin ang muling pag-usbong ng pagsusulat ng kasaysayan na mas tuon sa pagkabansa at pagkakakilanlan. Sa kaso ng Caloocan, nagkaroon din ng pag-usbong ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsulat ng kasaysayan noong isinulat ni Leopoldo Serrano noong 1956 ang โA Brief History of Caloocan,โ na isang mahalagang yugto sa historiograpiya ng Caloocan. Maituturing ang akda na isang modernong pagsulat ng kasaysayang lokal ng Caloocan. Dagdag pa riyan ang mga akdang kasaysayan ni Fausto Galauran. At ang isang iskolar na pinahalagahan ang kasaysayan at pamanang kultural ng Caloocan na si Agapito Joaquin, na nagbansag sa panahon ng 1952 hanggang 1972 bilang โThe Two Golden Decades.โ
Sa panunumbalik ng City Council (na kalaunan ay naging Sangguniang Panlungsod) noong 1988, muling isinulong ang resolusyong ipinasa noong 1970. Subalit, kung susuriin ang nasabing resolusyon, ipinapatupad lamang ito sa loob ng institusyon ng Pamahalaang Panlungsod. Samakatuwid, hindi nito saklaw ang buong Caloocan. Sa mga sumunod na taon, hindi na tinanggap ang โKalookanโ sapagkat taliwas ito sa nakasaad sa City Charter noong 1961 at Revised City Charter noong 1969, na parehong nakasaad ang baybay na โCaloocan Cityโ.
Gayunpaman, nananatili ang usapin kung dapat bang Caloocan o Kalookan ang baybay sa pangalan ng lungsod. Maaaring namang gamitin ang dalawa sapagkat pareho lamang itong salitang Filipino, subalit mas nakaayon sa legal ang titik na โC.โ Makaiba lamang ang baybay nito dahil ang salita ay hinulma sa ortograpiyang Espanyol na mula sa salitang Tagalog. Mula pa noong pormal na itinatag ang lungsod bilang isang pueblo noong 1815, orihinal ng โCaloocanโ ang baybay sa pangalan ng lungsod. Pareho lamang sa paggamit ng โCโ ang English at Espanyol kung ito ay pantig na may patinig na A, O at U. Nagmistula itong English dahil sa pagiging dominante ng English ang edukasyon sa Pilipinas.
Ang Abecedario, na alpabetong Espanyol na pinagmulan ng naturang baybay, ang opisyal na sistemang ginamit sa mga dokumento sa Pilipinas sa kabuuan ng pananakop ng Espanya. Kaya ito ang batayan ng pagbaybay at panulat ng wikang Tagalog o Filipino; kaiba mula sa orihinal na anyo. Muling binuhay ang katutubong konsepto nang simulang pag-aralan at maglatag ng panibagong ortograpiyang Tagalog na batay sa pinagsamang Baybayin at Alpabeto ang mga ilustrado at pinalawig ito ng Katipunan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon.
Kinilala at isinulong ni Jose Rizal ang ideya ni Trinidad Pardo de Tavera na maidagdag ang titik na โKโ na wala sa Abecedario bilang pamalit sa โCโ at โQu,โ at sinubukan niya itong ilapat sa ilan sa kaniyang mga akda. Sa impluwensiya ni Jose Rizal, sa panahong ito, si Andres Bonifacio at ang Katipunan ang higit na nagpasikat sa paggamit ng titik na โK,โ na makikita mismo sa pangalang โKatipunan.โ Mababakas din ang mas madalas na paggamit nito sa kanilang pahayagan na Kalayaan. Kalaunan ay opisyal nang ginamit ito sa paglabas ng unang bersyon ng Abakada mula sa โAng Balarila ng Wikang Pambansaโ ni Lope K. Santos noong 1939.
Sangunian
Buel, James. Hero Tales of the American Soldier and Sailor as Told by the Heroes Themselves and Their Comrades; the Unwritten History of American Chivalry. Hero Publishing Co., 1899.
Resolution no. 106 also known as โResolution Requesting All Department Heads of the City Government to Spell Caloocan City as โKalookan Cityโ in All Communications Whether in English or Tagalog.โ Office of the Secretary, 1970.
Pacala, Wogie. โFrom One Rises Many: Ever-Changing Landscape of Caloocan, 1762-2003.โ Sa AGOS: Currents of Faith in the Diocese, pinamatnugutan ni Kerby Alvarez. Caloocan City: The Roman Catholic Bishop of Kalookan, Inc., 2024.
Samonte, Severino. โWhich Is Which, Caloocan or Kalookan?โ Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/opinion/pieces/166-which-is-which-caloocan-or-kalookan.