27/08/2026
Ang magsilbi sa kapwa ng bukal sa aking kalooban at hindi ang pinagsisilbihan ka ng iyong kapwa.
Maraming beses na tayong nakakarinig o nakakasalamuha na nagsasabing nais magbigay ng serbisyo sa kapwa. Kalimitan ay tunay na serbisyo ang bukang bibig, pero, totoo nga ba? Ano nga ba ang motibo? Dalawang tenga ba ang handang makinig? Kaya bang magsilbi kahit sa pinakamaliit na paraan na di kailangan ng camera at mga taong nakapaligid? Ang respeto at pagpapahalaga ba ay para sa lahat o sa iilan lamang?
Maraming tanong at maraming kung ano ano ang nasasabi pero sa huli mananaig na ang tunay na serbisyo ay hindi para sa sariling interes, na ang tunay na serbisyo ay hindi para sa kapangyarihan, na ang tunay na serbisyo ay hindi para sa panatiko at ang tunay na serbisyo ay bukal sa loob at buong pagmamahal na iniaalay para sa ikabubuti ng lahat.