23/05/2026
🏀🏐🏸 ISANG MATAGUMPAY NA 1-DAY LEAGUE SPORTS FEST! 🏸🏐🏀
Unang-una sa lahat, taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng sumali, nakiisa, at sumuporta sa ating 1-Day League Sports Fest — sa project ng Sangguniang Kabataan of Barangay 75.
Sa simpleng event na ito, muling napatunayan na napakaraming kabataang may talento, disiplina, at sportsmanship dito sa ating Barangay. Mula Basketball, Volleyball, hanggang Badminton — ipinakita ninyo ang inyong husay, pagkakaisa, at pagmamahal sa komunidad. 💙
🏀 Basketball Winners
🥇 Champion — Team Atababak
₱5,000 Cash Prize + Trophy & Medals
🥈 2nd Runner-Up — Team Esguerra
₱3,000 Cash Prize + Trophy & Medals
🥉 3rd Runner-Up — Team Kalye Francisco
₱2,000 Cash Prize + Trophy & Medals
🏅 MVP — Dean Mark Valleser
Gold Medal
🏐 Volleyball Winners
🥇 Champion — Team Green
₱3,000 Cash Prize + additional ₱1,000 sponsored by Kagawad Malou Raymundo + Trophy & Medals
🥈 Team Blue
₱1,000 Consolation Prize + Medals
Sa mga hindi man pinalad na maiuwi ang panalo, saludo pa rin kami sa inyong ipinakitang effort, teamwork, at pakikipaglaban nang patas. Panalo pa rin ang pagkakaisa at samahan ng kabataan ng Barangay 75. 🙌
Lubos din po ang aming pasasalamat sa buong SK Council ng Barangay 75 at sa ating masisipag na Barangay Kagawad na walang sawang sumusuporta sa bawat proyekto ng kabataan:
✨ Kagawad Edwin Pineda — para sa raffle ng sapatos at bola
✨ Kagawad Malou Raymundo — para sa dagdag na papremyo
✨ Kagawad Gloria Cruz
✨ Kagawad Jun Caparas
✨ Kagawad Len Red
✨ Kagawad JonJon Gagui
Maraming salamat din po sa ating mga Councilors na nagpaabot ng tulong at suporta para maging mas matagumpay ang ating Sports Fest:
💙 Konsi L.A. Asistio at Konsi Cons. Asistio — para sa mga inumin ng ating players
💙 Konsi Ken Aruelo — para sa drinks at vitamins para sa mga taga-Barangay 75
💙 Konsi Charm Quimpo — para sa libreng pagkain at popcorn para sa ating kabataan at mga manonood
Sa pagbibigay ng suporta rin mula sa DITO Telecom, maraming salamat po sa inyo. Sa mga sim cards at trophies and medals.✨
Hindi lang ito simpleng liga — isa itong paalala na kapag nagkakaisa ang kabataan, mas nagiging masaya, aktibo, at matatag ang ating komunidad. Hanggang sa susunod na proyekto para sa kabataan ng Barangay 75! 🔥💯