MP Barangay 179

MP Barangay 179 Official Page of Barangay 179, Zone 16, District 3, Caloocan City under the leadership of Punong Barangay Marlon P. Palmere and Council

Maligayang Kaarawan, Kagawad Felinel “Ayang” Te, Chairperson ng Committee on Women and Family at Committee on Environmen...
31/05/2026

Maligayang Kaarawan, Kagawad Felinel “Ayang” Te, Chairperson ng Committee on Women and Family at Committee on Environmental Protection!

Sa iyong patuloy na paglilingkod para sa kapakanan ng kababaihan, pamilya, at pangangalaga sa ating kapaligiran, taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at malasakit sa ating komunidad.

Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang iyong mga adhikain para sa ating barangay. Hangad namin ang marami pang biyaya at tagumpay sa iyong buhay at paglilingkod.

Muli, Maligayang Kaarawan at Mabuhay ka!

Sa patuloy na pagsusulong ng kalinisan at kaayusan sa ating pamayanan, sa ilalim ng pamumuno ni P/B Marlon P. Palmere at...
28/05/2026

Sa patuloy na pagsusulong ng kalinisan at kaayusan sa ating pamayanan, sa ilalim ng pamumuno ni P/B Marlon P. Palmere at konseho, matagumpay na naisagawa ang ating Clean-Up Drive bilang pakikiisa sa programang KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) ng Department of the Interior and Local Government.

Taos-pusong pasasalamat sa ating masisipag na auxiliary volunteer group, ang PHMI (People's Hotline Movement Inc.) na naging katuwang ng Barangay sa gawaing ito. Ang inyong oras, lakas, at dedikasyon ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at bayanihan, mas nagiging malinis, ligtas, at maayos ang ating komunidad.

Ang kalinisan ay hindi lamang responsibilidad ng iilan kundi tungkulin ng bawat mamamayan. Sa sama-samang pagkilos, mas napapalakas natin ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakit para sa kapakanan ng lahat.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng tennis enthusiasts, mga residente, at mga kaibigan ng Horacio Dela Costa Homes-2 Tenn...
21/05/2026

Inaanyayahan po namin ang lahat ng tennis enthusiasts, mga residente, at mga kaibigan ng Horacio Dela Costa Homes-2 Tennis Club na makiisa at makibahagi sa gaganaping:

🏆 10th Marlon Palmere’s Cup Invitational Doubles Tennis Tournament
📅 Mayo 24, 2026 (Linggo)
⏰ 8:00 ng umaga onwards
📍 Dela Costa Tennis Court, Brgy. 179, Caloocan City

Makiisa sa isang araw ng pagkakaibigan, sportsmanship, at masiglang kompetisyon sa larangan ng tennis. May naghihintay ring cash prizes at trophies para sa mga magwawagi.

Kita-kits po tayo sa court! 🎾

Happy Birthday, Kagawad Reynaldo Balbuena! 🎉Maraming salamat sa inyong tuloy-tuloy na serbisyo at dedikasyon para sa kap...
18/05/2026

Happy Birthday, Kagawad Reynaldo Balbuena! 🎉

Maraming salamat sa inyong tuloy-tuloy na serbisyo at dedikasyon para sa kapakanan ng ating barangay. Tunay na malaking bagay ang inyong pagiging responsable, maaasahan, at laging handang maglingkod sa komunidad.

Nawa’y mas marami pa kayong tagumpay, mabuting kalusugan, at biyaya sa buhay.

Enjoy your special day, Kagawad! 🎂✨

Magandang Balita, mga ka-Barangay 179!Pwede na kayo mag-DEPOSIT at mag-WITHDRAW sa inyo mga BPI Account sa:📍ROBINSONS EA...
15/05/2026

Magandang Balita, mga ka-Barangay 179!

Pwede na kayo mag-DEPOSIT at mag-WITHDRAW sa inyo mga BPI Account sa:

📍ROBINSONS EASYMART SACRED HEART CALOOCAN

I-download lang ang BPI App at mag-generate barcode.

Pwede din kayo mag open ng Savings Account dito. Magdala lamang ng isang primary valid ID at cellphone.

See you. Maraming Salamat!

Sa lahat po ng 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐞𝐝𝐮𝐥𝐞 𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐜𝐚𝐬𝐡 𝐠𝐢𝐟𝐭 ay maaari pong magclaim ngayong araw, 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟐 𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧...
12/05/2026

Sa lahat po ng 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐞𝐝𝐮𝐥𝐞 𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐜𝐚𝐬𝐡 𝐠𝐢𝐟𝐭 ay maaari pong magclaim ngayong araw, 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟐 𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬, 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟑, 𝐬𝐚 𝐎𝐒𝐂𝐀 𝐧𝐨𝐫𝐭𝐡 𝐜𝐚𝐥𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧 𝐜𝐢𝐭𝐲 𝐡𝐚𝐥𝐥, 𝟖 𝐚𝐦 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟐 𝐩𝐦. 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐨.

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ilaw ng tahanan na walang sawang nagbibigay ng pagmamahal, sakripisyo, at gabay sa ka...
09/05/2026

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ilaw ng tahanan na walang sawang nagbibigay ng pagmamahal, sakripisyo, at gabay sa kanilang pamilya at komunidad.

Sa bawat inang patuloy na lumalaban, nag-aaruga, at nagsisilbing inspirasyon sa kanilang mga anak at sa ating barangay — taos-puso po kaming sumasaludo sa inyong kabutihan at dedikasyon.

Nawa’y mapuno ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ang araw na ito para sa lahat ng mga Nanay.

Mula po sa inyong Barangay, isang mapagpalang Mother’s Day sa lahat! 💐

Humihingi po kami ng tulong sa inyong lahat upang mahanap ang isang nawawalang kabataan.Pangalan: Missy Angela CanadaEda...
06/05/2026

Humihingi po kami ng tulong sa inyong lahat upang mahanap ang isang nawawalang kabataan.

Pangalan: Missy Angela Canada
Edad: 16 years old
Huling Nakita: Umalis ng bahay, 5:18 ng hapon noong May 3, 2026

Kung may anumang impormasyon po kayo na makakatulong sa kanyang kinaroroonan, agad po sana itong i-report sa ating Barangay Office o makipag-ugnayan sa mga sumusunod na contact numbers ng kaniyang Ina na si Mercy S. Canada:
📞 0961 820 8702

Makikiusap po kami sa lahat na ibahagi ang post na ito upang mas mapabilis ang paghahanap. Ang bawat impormasyon ay mahalaga.

⚠️ PAALALA: Iwasan po natin ang pagpapakalat ng maling impormasyon. Tanging beripikadong detalye lamang ang ibahagi at i-post. Ang maling impormasyon ay maaaring makasagabal sa paghahanap at makadulot ng kalituhan.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at malasakit.

Address

Banaba Corner Mangga Street
Caloocan
1425

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Telephone

+639511378081

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MP Barangay 179 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share