12/02/2026
02/07/26
SENIOR GIRL SCOUT & SENIOR SCOUT! DAYCAMP π€
Sobrang saya ng daycamp, hindi lang basta ito tungkol sa pagc-camping. Isang araw lang pero andaming masasayang nangyari na parang isang taon ginanap. Ang camping na ginawa namin ay isang paraan para mas makilala pa ng mga scout ang kanilang sarili, patatagin ang kanilang loob at higit sa lahat e pahalagahan ang tunay na diwa ng scouting. Sa bawat challenges, bawat games, at bawat activities na nagawa at nalampasan namin e puso ang nananaing. Natutunan namin na ang tunay na lakas ay hindi lang sa bilis, galing, o tapang, kundi sa pagkakaisa, pagtutulungan, at tiwala sa bawat isa.
May mga times na pagod na pagod na kami, gusto na naming sumuko.. pero bawat "Go lang!" at "Kaya natin to!" mula sa mga kaibigan, ramdam namin na hindi namin kailangang mag-isa sa laban o hamon. Sa bawat tawa, bawat kwento, bawat tulong na naibahagi namin, mas lalo naming na-appreciate ang bawat Scout sa paligid namin.
Ang daycamp na ito ay isang munting paalala na ang pagiging Scout ay hindi natatapos sa isang activity. Ito ay isang lifestyle, isang commitment na maging mabuting tao, lider at kaibigan. Nakita namin kung paano ang bawat maliit na aksyon, isalng salita ng encouragement, isang ngiti ay may epekto sa bawat isa at komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga Officers ng GSP and BSP sa kanilang paggagabay at pagtuturo ng mga kaalaman. At syempre sa ating coordinator na sina Sir Harold Sadicon and Ma'am Gabrielle Lampitoc. Dahil sa kanila e nagkaroon kami ng hindi malilimutang karanasan, puno ng aral, inspirasyon, at alaala na mananatili sa aming mga puso habang buhay.
Once a Scout, Always a Scout.
βοΈCL: CAGYAT, L.
π»CL: VILLARMINO, C.
CL: GARCIA, M.
ACL: RIPALDA, N.
ACL: PALATTAO, B.