02/06/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ ๐ฃ ๐๐ฎ๐น๐ผ๐ผ๐ฐ๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฎ๐ถ๐น, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ngayong araw, Hunyo, 2, 2026 - sa inisyatiba at direktiba ni Caloocan City Jail Warden, ๐๐ฆ๐จ๐ฃ๐ง ๐๐๐๐๐ก ๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ข๐ฆ, ๐๐ฆ๐, ang mga kawani mula sa BJMP Caloocan City Jail, kasama ang mga Jail Officer 1 Trainees mula sa National Jail Management and Penology Training Institute, ay nakiisa sa Brigada Eskwela 2026 na isinagawa sa M.B. Asistio Sr. High School - Unit I, Pla-Pla St., Kaunlaran Village, Caloocan City.
Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pasukan na magsisimula sa Hunyo 8, 2026, nakiisa ang mga kawani sa paglilinis, pagpipintura, at iba pang mga gawaing pangkalinisan sa loob ng paaralan upang matiyak ang maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral at g**o. Nagbigay rin ng mga donasyong school supplies ang BJMP Caloocan para sa mga pili at lubos na nangangailangang mag-aaral sa nasabing paaralan.
Ipinapakita ng ganitong pakikiisa sa mga programa ng komunidad ang patuloy na suporta at pagpapahalaga ng BJMP sa edukasyon bilang mahalagang pundasyon sa paghubog ng kabataan at pag-unlad ng lipunan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, naipapamalas ang diwa ng bayanihan at ang pagkakaisa ng iba't ibang sektor para sa kapakanan ng mga mag-aaral, mga g**o at ng buong komunidad.