15/02/2021
OFFICIAL STATEMENT NI Konsehal Alex Mangasar; 2nd District Caloocan City
PRESS RELEASE
February 15, 2021
Ito po ang inyong lingkod KONSEHAL ALEX V. MANGASAR NG- 2ND DISTRICT CALOOCAN CITY. Magandang umaga sa lahat ng mga dumalo mula sa mga kapatid natin sa media at sa lahat ng narito upang marinig ang po ang aking panig. Nais ko pong sagutin ang mga maling alegasyon kaugnay sa mga lumabas na balita na ako po ay nagtatago dahil sa nakasampang kaso ng TAX EVASION taong 2011. Wala pong katotohanan ang mga paratang na ako po ay nawawala at sa katunayan ay narito lamang po ako sa aking opisina sa Cityhall or di Mangasar Rescue.
Nais ko din pong humingi ng paumanhin sa pagkakadawit ng pangalan ni Cong. Egay Erice sa mga lumabas na balita bilang mahigpit na kaalyado nito sa TEAM BUGHAW. Sa aking palagay ang motibo ng pagkakadawit ay ang mainit na PULITIKA sa Caloocan kahit na malayo pa ang halahang 2022.
Sa kasalukuyan ay nakakaranas po ako ng panggigipit na sa akin din pong palagay ay bahagi ito ng DEMOLITION JOB sa akin.
Katungkulan ko po bilang halal ng mamamayan na pangalagaan ang kapakanan ng bawat isa at kung may katiwalian at korupsyon ay marapat lamang na ilantad at hindi maging bahagi nito.
Isa pang tinitignang anggulo ay ang mainit na usapin at pagtatanong naming mga Konsehal kaugnay sa mainit na usapin ng COVID FUND ng Caloocan. Matatandaan ang 320 milyong halaga ng TABLET na inilaan para sa mga mag-aaral mula Grade 9-12 ay nabuksang isyu nitong Enero ng taong 2021. Ayon sa aming pagsusuri at pag-aaral na lumabas sa mga dokumentong aming hawak ay mataas ang halaga pero mababa ang kalidad ng proyekto. Ito po dapat ay mapapakinabangan ng maayos ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Sa kabila ng lahat ng ito, kahit ano pa mang dumating na panggigipit ay hindi po ako patitinag para labanan ang katiwalian at korupsyon, akin pong babantayan ang pondo ng ating bayan. Paninindigan ko po ang aking mga nasimulan para sa ikauunlad ng mamamayan ng Caloocan.
Asahan po ninyo na patuloy po akong magiging aktibo at pag-aaralan pa ang lahat ng may kinalaman sa pondo ng mamamayan.
Nakahanda ko rin pong harapin ang lahat ng panggigipit na maari pang dumating. Malaki ang aking paniniwala na kasama ko po ang mamamayan sa laban na ito. Pag-iibayuhin ko po ang aking tungkulin sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan ng Caloocan. Iiwan ko po sa inyo ang katagang serbisyong Mangasar, Serbisyong totoo at hindi pakitang tao. Maraming salamat at mabuhay kayo. # # # #