21/10/2022
📢Posting this for Awareness About Hand, Foot and Mouth Disease (HMFD) 📢
⚠️Hand Foot and Mouth Disease⚠️
(medyo marami raming mga ka*o ulit tayo na naitatala sa clinic at hospital nitong Hunyo hanggang Agusto) late post 😆
❗Ang iyo bang anak ay nagkaroon ng low grade fever (mababang lagnat) na sinundan ng mga rashes o parang butlig na may tubig sa kanilang bibig, kamay at paa.
❗ Minsan ay nahihirapan lumunok dahil may parang mga singaw din sa lalamunan
❗May kasama din pangangati sa mga rashes
❗ Masigla at magana naman kumain ang bata
Eto ay maaaring ang tinatawag na Hand Foot and Mouth Disease (HFMD)
✅ ang sanhi nito ay VIRUS na ang pangalan ay Coxsackievirus A, dahil VIRUS ang cause, hindi kailangan ng antibiotics para gamutin ito
✅ ang incubation period (araw na nahawa hanggang sa lumabas ang sintomas) ay 3 to 7 days
✅ Madali itong maipasa pasa sa mga bata sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo, direktang paghawak sa lesion o sugat ng may HFMD ganun na din ang mga bagay na nahawakan niya
✅ Kaya napkaimortante ang paghuhugas ng kamay at proper etiquette na ituturo sa ating mga anak pag may ubo at sipon
✅ Kadalasan ay self limiting lamang ang HFMD at supportive treatment lamang ang gamutan dito, tulad ng pagkontrol ng lagnat, gamutin ang pangangati, pananakit ng lalamunan.