30/08/2026
Ang Kankaloo Fire Rescue po ay na-deploy kagabi (August 29,2026) sa ibaโt ibang bahagi ng Brgy. 179, kabilang ang Dao Street, GK 1 Anapla, at Rimas Street.
Sa bawat responde at pagliligtas ng Kankaloo Fire Rescue, kasama po namin ang Barangay 179. Hindi po naglaho at hindi po nagtago ang mga empleyado ng Barangay 179. Sila po ay aming kasama sa bawat pagresponde, at kami po mismo ang saksi na naroroon sila at tumutulong sa abot ng kanilang makakaya.
Nirerespeto po namin ang personal na opinyon at pananaw ng bawat miyembro ng Kankaloo Fire Rescue, gayundin ang bawat opinyon at pananaw ng mga residente ng Brgy. 179.
Gayunpaman, nawaโy maging maingat po tayo sa pagbibigay ng komento at pagbabahagi ng impormasyon, lalo na kung hindi pa ito beripikado.
15 Residente po ang nailikas sa puwersa ng Kankaloo Fire at Brgy. 179, iba pa ang bilang ng nailikas ng Brgy. 179 Rescue force sa ibang bahagi ng baranggay.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.