Bravo "Braveheart" Company, 68th Infantry Kaagapay Battalion

Bravo "Braveheart" Company, 68th Infantry Kaagapay Battalion "Mission First, Morale Always"

05/11/2023

"๐๐Ž๐”๐“๐„ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐ƒ๐€๐˜."

Gawin natin hilig ang pagtulong sa kapwa, maging isang mabuting halimbawa sa mga bata at pag-ibig ang ipairal upang magkaroon ng lipunang mapayapa.

05/11/2023

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€!

Oktubre 28, 2023 - Isang bangkay ang nahukay ng tropa ng 68th Infantry (Kaagapay) Battalion habang nagsasagawa ng combat operation sa isang liblib na lugar na itinuro ng isang dating rebelbe na umano'y biktima ng pamamaslang at pamamatay tao.

Ang labi at buto ng nasabing bangkay ay pinaghihinalaang isa sa mga tatlong hinahanap na nawawalang tao noong buwan ng enero taong kasalukuyan na kinabibilangan ng isang CAFGU at dalawang sibilyan na dinukot ng armadong rebelde sa bayan ng Calintaan habang naghahanap ng makakain at mapagkakakitaan sa bundok na sakop ng nasabing bayan.

Antabayanan ang buong detalye.

68th Infantry "Kaagapay" Battalion, Philippine Army



05/11/2023

๐Œ๐†๐€ ๐‹๐€๐๐ˆ ๐๐† ๐๐ˆ๐๐€๐†๐‡๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐€๐๐† ๐‚๐€๐…๐†๐” ๐๐€ ๐๐ˆ๐Š๐“๐ˆ๐Œ๐€ ๐๐† โ€œ๐’๐”๐Œ๐Œ๐€๐‘๐˜ ๐„๐—๐„๐‚๐”๐“๐ˆ๐Ž๐โ€ ๐๐† ๐“๐„๐‘๐‘๐Ž๐‘๐ˆ๐’๐“๐€๐๐† ๐๐๐€, ๐๐€๐“๐€๐†๐๐”๐€๐!

AGUAS, RIZAL, OCCIDENTAL MINDORO โ€“ Bangkay nang natagpuan ang isang hinihinalang labi ng CAA sa Sitio Ulango, Brgy Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro habang nagsasagawa ng combat operations ang tropa noong ika-28 ng Oktubre, taong kasalukuyan.

Base sa impormasyong ibinigay ng isang miyembro ng New Peopleโ€™s Army na nauna ng nahuli ng kasundaluhan sa mga nakaraang operasyon ng militar sa Oriental Mindoro, ang nasabing labi ay pinaniniwalaang kay CAA Ruffy Solanoy Avila BT-G16-000081 PA na ibinaon ng grupo sa nasabing lugar ang kaawa awang CAFGU pagkatapos nila itong hatulan ng kamatayan. Matatandaan na noon lamang Enero ng kasalukuyang taon ay naiulat na nawawala ang nasabing personalidad, kasama ang dalawa pang katutubong (Mangyan) sibilyan habang naghahanap ng makakain na pambuhay sa pamilya sa bulubunduking bahagi ng Calintaan, Occidental Mindoro.

Sa kalaunan, napag alaman na ang mga nasabing nawawalang indibidual ay dinukot at karumaldumal na pinaslang ng terroristang grupo na kinabibilangan ng pinagsanib na pwersa ng Main Regional Guerilla Unit (MRGU) na pinangungunahan ni Jovito Marquez at natitirang grupo ng Kilusang Larangang Guerilla Glenn Marie Tamboong (KLG GMT) na pinamunuan ni Reina Grace Tejada , sa utos na rin ng liderato ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC). Ang nasabing pagpatay ay isinagawa mismo ni Sonny S. Rogelio , Vice PL ng Main Regional Guerilla Unit (MRGU), ayon sa nahuling rebelde.

Ang pagkakatunton at pagkakadiskubre sa pinaglibingan sa nasabing nawawalang CAA ay bunga ng pakikipagtulungan ng nahuling rebelde na agad namang ipinaalam at inaksyunan ng mga tropa ng 68th Infantry (Kaagapay) Battalion at mga miyembro ng kapulisan mula ng Municipal Police Station ng Calintaan, Occidental Mindoro na nagresulta sa matagumpay na pagkuha sa mga labi ng nasabing bangkay. Patuloy din na hahanapin ang labi ng dalawa pang biktima ng โ€œSummary Executionโ€ upang magawaran ng disenteng libing at mabigyan ng hustisya.

Samantala, ipinaalam na sa pamilya ng nasabing CAA ang pangyayari habang naghihintay ng โ€œforensic doctorโ€ mula sa SOCO, Occidental Mindoro para sa malalimang pagsasaliksik sa nasabing bangkay at makumpirma ang pangkakakilanlan nito. Kasama sa proseso ay ang pagsasampa ng kasong โ€œmurderโ€ at paglabag sa karapatang pantao laban sa terroristang grupo para mabigyan ng hustisya ang sinapit nito. Kaakibat nito ay ang pagbibigay sa labi ng biktima sa kamag-anak upang mabigyan ng maayos na libing.

Ipinaabot naman ni Lieutenant Colonel Marlon T. Salvador, Commanding Officer ng 68th Infantry (Kaagapay) Battalion ang pakikiramay sa magulang at kamag-anak ng mga biktima. Sa kanyang pahayag โ€œAng mga ganitong pangyayari ay isang pagpapatuany ng kalupitan at hindi makatarungang pinaglalaban ng mga teroristang grupo. Malinaw na ito ay paglabag sa karapatang pantao at hindi makatarungan paghatol ng mga liderato ng CPP-NPA-NDF na kung saan ay taliwas sa kanilang isinusulong nga pagkakapantay-pantay at paggalang sa karapatan ng lahat ng taoโ€, ani pa niya. Sinisiguro din nya na makuha ng pamilya ang karampatang benepisyo at pagkilala sa kabayanihan kapalit ng pagbubuwis ng buhay alang alang sa pagtupad ng tungkulin bilang CAA ng yunit.

68th Infantry "Kaagapay" Battalion, Philippine Army




05/11/2023

"I-alay natin sa Diyos ang panalangin at pagsamo para sa ating mga yumao. Hindi sila iba at malalayo sa atin kailanman."

- UNDAS, 2023

05/11/2023
25/10/2023

๐๐”๐Ž๐“๐„ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐ƒ๐€๐˜.

"๐€๐ญ ๐ก๐ฎ๐ฐ๐š๐  ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข ๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ฉ๐ฐ๐š, ๐ฌ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ญ ๐ข๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐š๐ฅ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐š๐ง ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ."

๐‡๐ž๐›๐ซ๐ž๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘:๐Ÿ๐Ÿ”

25/10/2023

Address

Calintaan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bravo "Braveheart" Company, 68th Infantry Kaagapay Battalion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bravo "Braveheart" Company, 68th Infantry Kaagapay Battalion:

Share