Sangguniang Barangay ng Carlosa - Calatagan, Batangas

Sangguniang Barangay ng Carlosa - Calatagan, Batangas Official page of the Sangguniang Barangay ng Carlosa, Calatagan, Batangas 2023- 2025

Mga Kabarangay,Inaanyayahan po ang lahat ng mga maggugulay, miyembro man o hindi rehistrado, na dumalo sa nasabing pagpu...
20/05/2026

Mga Kabarangay,
Inaanyayahan po ang lahat ng mga maggugulay, miyembro man o hindi rehistrado, na dumalo sa nasabing pagpupulong. Ang lahat po ay malugod na tinatanggap upang makiisa at makapagbahagi ng mga impormasyon at suhestiyon para sa ikauunlad ng ating samahan at kabuhayan.

Petsa: Mayo 22, 2026 (Biyernes)
Oras: Ika-8 ng umaga
Lugar: Covered Court ng Barangay Encarnacion
Maraming salamat po at inaasahan ang inyong pakikiisa.

FLAG RAISING & CANDLE LIGHTING CEREMONYPakikiisa ng brgy functionaries sa isang makabuluhang Flag Raising at Candle Ligh...
18/05/2026

FLAG RAISING & CANDLE LIGHTING CEREMONY
Pakikiisa ng brgy functionaries sa isang makabuluhang Flag Raising at Candle Lighting Ceremony bilang pagpapakita ng suporta, pagmamahal, at pakikiisa sa mga People Living with HIV (PLHIV).
Ang pagsisindi ng kandila ay sumisimbolo ng pag-asa, lakas, at patuloy na laban para sa pagkakapantay-pantay at pagtanggap sa bawat isa. Sama-sama nating ipalaganap ang kamalayan, respeto, at malasakit upang mabawasan ang diskriminasyon at mapalakas ang suporta para sa ating mga kababayan na may HIV.

12/05/2026

PAANYAYA SA PAGPUPULONG
Inaanyayahan po ang lahat ng mga may-ari at nag-aalaga ng livestock sa ating barangay na dumalo sa gaganaping pagpupulong.
Petsa: Mayo 13, 2026
Oras: 9:00 ng umaga
Lugar: Covered Court, Brgy. Carlosa
Mahalaga po ang inyong pagdalo upang mapag-usapan ang mga usapin at programa kaugnay ng livestock sa ating barangay.
Maraming salamat po at inaasahan ang inyong pakikiisa.

09/05/2026

sa lahat ng NANAY
sa buong mundo
salamat sa pagpaparamdam
ng FOREVER
na PAGMAMAHAL.
Happy Mother's Day!

Buwanang Pagsasagawa ng flag Raising Ceremony ng Sangguniang Barangay ng Carlosa - Calatagan, Batangas.Patuloy na pagkak...
04/05/2026

Buwanang Pagsasagawa ng flag Raising Ceremony ng Sangguniang Barangay ng Carlosa - Calatagan, Batangas.
Patuloy na pagkakaisa, tapat at mahusay na serbisyo para sa mamayan ng barangay Carlosa.
Pagpapatupad tuwing Una Lunes ng buwan.

Una sa lahat pagpupuri at pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagbibigay ng biyaya sa ating lahat!Isang taos-pusong pa...
04/05/2026

Una sa lahat pagpupuri at pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagbibigay ng biyaya sa ating lahat!
Isang taos-pusong pasasalamat po ang ipinaaabot ng Pamahalaang Barangay ng Barangay Carlosa, sa pangunguna ng aming butihing Punong Barangay, Kapitan William Rasdas, kay Hon. Mayor Rico Puno, sa kanyang walang sawang suporta at malasakit sa aming komunidad.
Lubos po naming ipinagpapasalamat ang pagpapatayo ng stage sa aming covered court na magsisilbing mahalagang lugar para sa iba’t ibang programa, pagtitipon, at aktibidad ng aming mga kabarangay, higit sa lahat ng aming Paaralan. Ang proyektong ito ay malaking ambag sa patuloy na pag-unlad at pagkakaisa ng aming barangay.
Maraming salamat po sa inyong dedikasyon sa paglilingkod. Nawa’y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal sa inyong mga adhikain para sa kapakanan ng inyong nasasakupan.
Lubos po kami nagpapasalamat sa palagi ninyo po pagalalay sa aming mahal na Punong Barangay Kap William Rasdas sa mga proyekto ng aming barangay.

Una sa lahat, Ang pagpupuri at Pasasalamat tinataas sa Panginoon Jesus!, Ang buong Functionaries ay lubos na pagpapasala...
01/05/2026

Una sa lahat, Ang pagpupuri at Pasasalamat tinataas sa Panginoon Jesus!, Ang buong Functionaries ay lubos na pagpapasalamat sa ating Mahal na Punong Barangay William Rasdas sa palagi pagtulong ninyo po saamin, sa Kabila ng mga problema, pagod di ninyo nakakalimutan kami ay bigyan ng pahinga at kasayahan at magkaroon ng bonding ang Inyong mga Anak. Maraming salamat po Kapt.nawa bigyan palagi kayo ng Kalakasan ng katawan kasama po ng Inyo Pamilya at madami pa blessing dumating sa inyo. Mabuhay po Kapt.WILLIAM RASDAS..

29/04/2026

Magandang Gabi po Kabarangay! Pinababatid po na wala muna po hakot ng basura bukas araw ng huwebes, sa kadahilanan po nagkaproblema po ang ating truck ng basura. Salamat po sa pangunawa.

Mula po sa Sanggunian, sa pangunguna ng aming mahal butihing Kapitan na si William Rasdas, taos-puso po kaming nagpapasa...
24/04/2026

Mula po sa Sanggunian, sa pangunguna ng aming mahal butihing Kapitan na si William Rasdas, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mahal na Mayor Rico Puno,kasama konsehal Bai at konse Anzaldo sa patuloy na suporta at pagbibigay ng scholarship sa aming mga magaaral sa koleheyo.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa lahat ng staff na naging bahagi sa pagpapatupad ng programang ito. Malaking tulong po ito upang maitaguyod ang edukasyon at kinabukasan ng aming mga kabataan.
Maraming salamat po at nawa’y patuloy pa ang inyong malasakit at serbisyo para sa aming komunidad.

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Kapitan@William Rasdas at sa buong Sangguniang Barangay sa matagumpay na...
20/04/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Kapitan@William Rasdas at sa buong Sangguniang Barangay sa matagumpay na pagdaraos ng ating fiesta Carlosa itaas at ibaba.
Sa kabila ng kinahaharap nating krisis sa enerhiya, nairaos pa rin natin ang isang simple ngunit masaya at makabuluhang selebrasyon para sa ating barangay.
Maraming salamat din sa lahat ng mamamayan ng Brgy. Carlosa sa inyong walang sawang suporta, pakikiisa, at pagtutulungan. Ang tagumpay na ito ay para sa ating lahat.
Mabuhay ang ating barangay! 🎉

Address

Calatagan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Carlosa - Calatagan, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share