Provincial Veterinary Office - Oriental Mindoro

Provincial Veterinary Office - Oriental Mindoro This is the Official page of 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐒𝐧𝐜𝐒𝐚π₯ π•πžπ­πžπ«π’π§πšπ«π² 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐎𝐫𝐒𝐞𝐧𝐭𝐚π₯ 𝐌𝐒𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨

β€œKalayaan ay hindi lamang minanaβ€”ito ay patuloy na pinangangalagaan sa bawat tapat na paglilingkod.”Maligayang Araw ng K...
12/06/2026

β€œKalayaan ay hindi lamang minanaβ€”ito ay patuloy na pinangangalagaan sa bawat tapat na paglilingkod.”

Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨

𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍 π‚πˆπ“π˜-Necropsy isinagawa sa stranded False Killer WhaleKatuwang ang City Government of Calapan at Bureau of Fishe...
10/06/2026

𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍 π‚πˆπ“π˜-Necropsy isinagawa sa stranded False Killer Whale

Katuwang ang City Government of Calapan at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, isinagawa ngayong Hunyo 10, 2026 ng mga tauhan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐒𝐧𝐜𝐒𝐚π₯ π•πžπ­πžπ«π’π§πšπ«π² 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐞 (ProVet) at ng π”π§π’π―πžπ«π¬π’π­π² 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 𝐏𝐑𝐒π₯𝐒𝐩𝐩𝐒𝐧𝐞𝐬 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬 𝐂𝐨π₯π₯𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 π•πžπ­πžπ«π’π§πšπ«π² 𝐌𝐞𝐝𝐒𝐜𝐒𝐧𝐞 (UPLB-CVM) ang necropsy sa isang stranded false killer whale na natagpuan sa Brgy. Balite, Calapan City.

Matatandaang unang namataan ang nasabing false killer whale sa mga baybayin ng Calapan at Naujan noong Mayo 27, 2026. Ilang ulit itong lumipat ng lokasyon at muling bumalik sa mababaw na bahagi ng dagat bago tuluyang namatay sa Brgy. Balite.

Ang false killer whale (Pseudorca crassidens) ay isang uri ng oceanic dolphin na karaniwang naglalakbay nang magkakasama sa malalaking grupo at maaari ring makihalubilo sa iba pang uri ng mga dolphin. Ang napadpad na indibidwal ay isang lalaking false killer whale na may habang humigit-kumulang 4.5 metro at tinatayang may timbang na nasa 700 kilo.

Ayon kay Dr. Adrian de Ramos ng UPLB Veterinary Teaching Hospital at miyembro ng Philippine Marine Mammal Stranding Network (PMMSN), natuklasan sa isinagawang necropsy na may fracture o bali sa middle ear bone ng hayop. Ang naturang pinsala ay maaaring nakaapekto sa kakayahan nitong mag-navigate at makagalaw nang maayos sa karagatan.

Gumagamit ang false killer whale at iba pang marine mammals ng echolocationβ€”isang mekanismo kung saan gumagamit sila ng tunog upang matukoy ang kanilang lokasyon, makilala ang kanilang kapaligiran, makipag-ugnayan sa kapwa hayop, at makapanghuli ng pagkain. May mga bahagi sa loob ng kanilang ulo at tenga na lubhang sensitibo sa mga vibration at sound waves na mahalaga sa prosesong ito.

Posibleng ang pinsala sa middle ear bone ay dulot ng malakas na underwater disturbance, kabilang ang ilegal na paggamit ng dinamita sa pangingisda sa mga lugar na maaaring dinaanan ng grupo ng hayop. Dahil sa kapansanan sa echolocation, maaaring paulit-ulit na bumalik sa mababaw na bahagi ng dagat o pampang ang nasabing false killer whale.

Kumuha rin ang grupo ng iba pang tissue at biological samples na dadalhin sa UPLB-CVM para sa karagdagang pagsusuri at pag-aaral.

Muling pinaalalahanan ng Provincial Veterinary Office ang publiko na iwasang lapitan, hawakan, o gambalain ang mga wildlife at marine mammals gaya ng mga dolphin at balyena. Hinihikayat din ang agarang pag-uulat ng mga kahalintulad na insidente sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang wastong pagtugon at pangangalaga sa mga hayop na ito.

Muling nagbigay ng technical assistance ang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐒𝐧𝐜𝐒𝐚π₯ π•πžπ­πžπ«π’π§πšπ«π² 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐞 (ππ«π¨π•πžπ­) sa β€œπ¬π­π«πšπ§ππžπ 𝐟𝐚π₯𝐬𝐞 𝐀𝐒π₯π₯𝐞𝐫 𝐰𝐑𝐚π₯πžβ€ na na...
04/06/2026

Muling nagbigay ng technical assistance ang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐒𝐧𝐜𝐒𝐚π₯ π•πžπ­πžπ«π’π§πšπ«π² 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐞 (ππ«π¨π•πžπ­) sa β€œπ¬π­π«πšπ§ππžπ 𝐟𝐚π₯𝐬𝐞 𝐀𝐒π₯π₯𝐞𝐫 𝐰𝐑𝐚π₯πžβ€
na napadpad sa dalampasigan ng Brgy. Balite, Calapan City noong ika-3 ng Hunyo, 2026. Matatandaan na noong Mayo 27, naging stranded ang false killer whale na ito sa Brgy. Navotas, Calapan City at napapunta sa Brgy. San Antonio, Naujan noong Mayo 29, bago umalis noong Mayo 30. Ngayong araw, kinuhanan ng dugo ang nasabing hayop upang makakuha ng impormasyon sa estado ng kalusugan nito. Ayon kay Dr. Alfredo Manglicmot, naging mahirap ang pagkuha ng sample sa strander dahil sa mabilis na pagkati ng dagat at bigat nito, ngunit sa tulong ng tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) City Fisheries Management Office, CDRRMO Bantay Dagat, Philippine Coast Guard at maging mga residente at opisyal ng Brgy. Balite, nagawang madala ang false killer whale sa parte ng dagat na komportable at madaling masusubaybayan ng mga nasabing ahensya.

01/06/2026
Nagbigay ng technical assistance ang Provincial Veterinary Office ngayong araw para sa isang stranded marine mammal na n...
28/05/2026

Nagbigay ng technical assistance ang Provincial Veterinary Office ngayong araw para sa isang stranded marine mammal na naireport sa Calapan Fisheries Management Office noong May 27, 2026 ng gabi. Pinaniniwalaang isang false killer whale, isang uri ng dolphin, na halos 5 metro ang haba ang napasadsad sa dalampasigan ng Navotas, Calapan. Base sa paunang obserbasyon, medyo payat ang nasabing hayop. Kinain naman ng false killer whale ang ibinigay na isda ng mga responders. Sinubukang ibalik sa laot ang marine mammal ngunit bumabalik pagkatapos ng ilang saglit kung kaya’t patuloy na oobserbahan ang kanyang kalagayan.

Bagama’t maraming tao ang interesadong masaksihan ang false killer whale, maari itong magdulot ng "stress-induced myopathy" at magtuloy sa kidney failure kung kaya’t panawagan ng ProVet, City Veterinary Services Department at Fisheries Management Office na iwasang lumapit ang mga tao sa area.

πŸŒžπŸ„πŸ– PAGHAHANDA LABAN SA EPEKTO NG EL NIΓ‘O SA MGA ALAGANG HAYOP πŸπŸ“πŸ’§Dahil sa matinding init at kakulangan sa tubig na dulo...
24/05/2026

πŸŒžπŸ„πŸ– PAGHAHANDA LABAN SA EPEKTO NG EL NIΓ‘O SA MGA ALAGANG HAYOP πŸπŸ“πŸ’§

Dahil sa matinding init at kakulangan sa tubig na dulot ng El NiΓ±o, mahalagang maging handa upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alagang hayop. Sa tamang pagpaplano, sapat na tubig at pagkain, maayos na kulungan, at regular na pangangalaga sa kalusugan ng mga hayop, mas maiiwasan ang masamang epekto ng tagtuyot. πŸŒΎβ˜€οΈ

πŸ“Œ Tandaan:
βœ… Mag-imbak ng sapat na tubig at pakain
βœ… Siguraduhing may lilim at maayos na bentilasyon ang kulungan
βœ… Panatilihing malinis at ligtas ang kapaligiran ng mga alaga
βœ… Sumunod sa tamang pagbabakuna at deworming
βœ… Maging alerto sa mga abiso ukol sa panahon

πŸ’™ Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga alagang hayop at kabuhayan laban sa epekto ng El NiΓ±o.

21/05/2026

Hog raisers in 14 towns and one city in Oriental Mindoro received additional support under the African Swine Fever (ASF) Rehabilitation and Recovery Program of the Provincial Government of Oriental Mindoro to restore local hog production and strengthen the province’s swine industry.

Through the Provincial Veterinary Office (PVO) and in partnership with local government units, parent stock breeder gilts, sourced from the Pig Improvement Company (PIC), were distributed to the beneficiaries across the province. A total of 30 heads of breeder gilts were distributed, with two heads allocated for each municipality and city beneficiary. The assistance amounted to β‚±1.497 million.

The program supports the continuing restocking and upgrading of hog stocks in areas affected by ASF. Beneficiaries were grouped into four clusters covering 14 municipalities and one city in Oriental Mindoro. | via Joshua Sugay/PIA

Address

Capitol Complex, Camilmil
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Veterinary Office - Oriental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share