07/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng ahensya sa mga mangingisda sa pamamagitan ng Fuel Assistance to Fisherfolk Program, ipinamahagi ng BFAR MIMAROPA ang nasa dalawang daan at dalawampuโt anim (226) na cards sa mga sa lalawigan ng Occidental Mindoro kabilang na ang siyamnapu (90) sa bayan ng Looc at Lubang. Pinaiigting ng prosesong ito ang moderno at episyenteng pagbibigay-serbisyo sa pamamagitan ng Virtual Know Your Client (KYC) processing, kung saan isinagawa ang virtual na panayam sa mga benepisyaryo at pag-imprenta ng mga card sa tulong ng Business Solutions Partner na United Storefront Services Corporation.
Tinanggap ang mga naturang fuel card sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Looc na sina Bb. Lyka Ellaine Dela Torre, Officer-in-Charge ng Pambayang Tanggapang Pang- Agrikultura ng Looc, Occidental Mindoro, at ni G. Mark Lancelot Mendoza, Fisheries Extension Officer ng Lubang, Occidental Mindoro. Isinagawa ang turnover kaalinsabay ng pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk Program noong Abril 29โ30, 2026.
Ang bawat fuel card ay may halagang Php 3,000.00 at maaaring gamitin sa mga akreditadong istasyon ng gasolina. Ang Fuel Assistance to Fisherfolk Program ay isang patuloy na programa ng DA-BFAR na naglalayong tulungan ang mga mangingisda na maipagpatuloy ang kanilang pangingisda sa kabila ng tumataas na presyo ng krudo.
Photos by LGU Lubang, LGU Looc
Article by Mr. Emmanuel Perez, Planning Unit