Konsehal RC Concepcion

Konsehal RC Concepcion Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Konsehal RC Concepcion, Calapan.

Robert Concepcion's official page - Your Reliable Councilor πŸ’™πŸ§‘

Chairperson:

Committee on Budget, Finanace and Appropiation
Committee on Agriculture
Committee on Games and Amusement

𝐀 πŒπŽππ“π‡ πŽπ… 𝐍𝐄𝐖 πŒπˆπ‹π„π’π“πŽππ„π’ 𝐀𝐍𝐃 π‚πŽππ“πˆππ”π„πƒ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’™Sa isinagawang unang flag ceremony para sa buwan ng Hunyo sa City Hal...
02/06/2026

𝐀 πŒπŽππ“π‡ πŽπ… 𝐍𝐄𝐖 πŒπˆπ‹π„π’π“πŽππ„π’ 𝐀𝐍𝐃 π‚πŽππ“πˆππ”π„πƒ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’™

Sa isinagawang unang flag ceremony para sa buwan ng Hunyo sa City Hall Complex, muling pinagtibay ng Pamahalaang Panlungsod ng Calapan ang kanilang sama-samang layunin na maghatid ng mahusay at makabagong serbisyo para sa bawat mamamayan.

Pinangunahan nina City Mayor Doy Leachon at City Vice Mayor Bim Ignacio, kasama ang mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod, department heads, at mga kawani ng lungsod, ang pagsisimula ng panibagong buwan ng pagtatrabaho at paglilingkod.

Isa sa mga tampok na kaganapan ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government of Calapan at GCash, na magbibigay-daan sa mas mabilis, ligtas, at maginhawang cashless transactions para sa ilang serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Binigyang-pagkilala rin ang mga mag-aaral ng Divine Word College of Calapan – School of Architecture and Fine Arts matapos nilang maiuwi ang karangalan bilang Best Overall Project for Urban and Landscape Design sa The Filipino Times Global Student Competition 2026 sa pamamagitan ng kanilang konseptong β€œLa Isla de Mina.”

Patunay ang mga tagumpay at inisyatibong ito na patuloy na umuusad ang Calapan tungo sa mas moderno, mas episyente, at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat. πŸ’™β˜οΈ

π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 π‹πˆππ†π†πŽ, π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ πŸ‡΅πŸ‡­Sa ginanap na weekly flag ceremony ng City Government of Calapan na pinanguna...
25/05/2026

π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 π‹πˆππ†π†πŽ, π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ πŸ‡΅πŸ‡­

Sa ginanap na weekly flag ceremony ng City Government of Calapan na pinangunahan nina City Mayor Doy Leachon, City Vice Mayor Bim Ignacio, mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod, department heads, at mga kawani ng pamahalaang panlungsod katuwang ang City Information Office bilang lead department, muling itinampok ang mga empleyadong nagsisilbing inspirasyon sa pamamagitan ng tapat at mahusay na paglilingkod sa mamamayan.

Kinilala bilang Model Employee of the Month para sa buwan ng Abril si Ms. Diane Fatima Castillo, RSW ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) dahil sa kanyang dedikasyon at malasakit sa serbisyo publiko. Pinarangalan din bilang nominee si Mr. Nikie Abac ng City Assessor’s Department. πŸ‘

Ang kanilang pagiging masipag, responsable, at may pusong lingkod-bayan ay patunay ng tunay na serbisyong may integridad at malasakit para sa bawat CalapeΓ±o. πŸ’™

14/05/2026

Asahan nyo po na laging katuwang ang 10th Sangguniang Panlungsod para sa mga programang . πŸ’™πŸ§‘

π‡π€πππ˜ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜, π‚πˆπ“π˜ πŒπ€π˜πŽπ‘ πƒπŽπ˜ π‹π„π€π‚π‡πŽπ! πŸŽ‰πŸ’™Sa araw na ito, ipinagdiriwang namin hindi lamang ang inyong kaarawan, kundi p...
12/05/2026

π‡π€πππ˜ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜, π‚πˆπ“π˜ πŒπ€π˜πŽπ‘ πƒπŽπ˜ π‹π„π€π‚π‡πŽπ! πŸŽ‰πŸ’™

Sa araw na ito, ipinagdiriwang namin hindi lamang ang inyong kaarawan, kundi pati na rin ang buhay ng isang lider na tunay na may malasakit, paninindigan, at pusong naglilingkod para sa bawat CalapeΓ±o.

Maraming salamat po sa samahan, sa patuloy na paniniwala, at sa walang sawang suporta sa bawat adhikain para sa ikauunlad ng ating lungsod. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa serbisyo publiko ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa marami upang magsikap, maglingkod, at mangarap para sa mas maayos na kinabukasan.

May your heart always remain strong, your vision clear, and your passion for service continue to inspire generations to come. πŸ’™

πˆπ’π€ππ† πŒπ€πŠπ€ππ”π‹π”π‡π€ππ† π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 π‹πˆππ†π†πŽ: ππ€π†πŠπˆπ‹π€π‹π€, ππ€π†πŠπ€πŠπ€πˆπ’π€, 𝐀𝐓 π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ πŸ‡΅πŸ‡­Masiglang sinimulan ng City Government of Cala...
11/05/2026

πˆπ’π€ππ† πŒπ€πŠπ€ππ”π‹π”π‡π€ππ† π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 π‹πˆππ†π†πŽ: ππ€π†πŠπˆπ‹π€π‹π€, ππ€π†πŠπ€πŠπ€πˆπ’π€, 𝐀𝐓 π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ πŸ‡΅πŸ‡­

Masiglang sinimulan ng City Government of Calapan ang panibagong linggo sa isinagawang weekly flag ceremony na pinangunahan nina City Mayor Doy Leachon, City Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang 10th Sangguniang Panlungsod, mga department heads, at mga kawani ng pamahalaang panlungsod. Ang City General Services Department (CGSD) ang nagsilbing lead department para sa programa ngayong linggo. πŸ’™

Tampok sa nasabing pagtitipon ang pagkilala sa mga kinatawan ng Philippine Navy na bumisita sa lungsod, gayundin ang panunumpa ng 62 bagong senior citizen presidents mula sa iba’t ibang barangay ng Calapan sa pangunguna nina Mayor Doy at OSCA President Ms. Imelda Dacillo. 🀝

Binigyang-pugay rin ang mga natatanging kawani ng pamahalaang panlungsod. Kinilala sina Ms. Loveville Benter ng City Treasury Department at Mr. Jayvee Mendoza ng City Assessor’s Department bilang CGC Employees of the Month, habang itinanghal naman si Mr. Mendoza bilang Model Employee of the Month para sa buwan ng Marso na may kalakip na Php 10,000 cash incentive. πŸ‘

Kasama rin sa kinilala ang mga bagong Career Service Examination passers mula sa pamahalaang panlungsod bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, pagsisikap, at patuloy na kahusayan sa paglilingkod sa mamamayan. πŸ’™

06/05/2026

𝐒𝐀 π†πˆπ“ππ€ 𝐍𝐆 π‘πŽπ‹π‹ππ€π‚πŠ, 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€πŠπ€π“π€π‘π”ππ†π€ππ† ππ€πŒπ€π’π€π‡π„ πŸš’βš–οΈ

Sa kabila ng tatlong sunod-sunod na rollback sa presyo ng krudo, nananatiling mataas ang pamasahe sa RORO at iba pang shipping lines. Kung bumababa ang gastos sa biyahe, nararapat lamang na maramdaman din ito ng mga pasahero.

Panawagan ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna nina City Councilors Hon. Atty. Bel Tanyag-Panaligan at Hon. Federico A. Cabailo, Jr., ang patas at makatarungang pagbaba ng pamasahe para sa kapakanan ng mamamayan.

Hindi dapat hanggang gasolina lamang ang epekto ng rollback, dapat itong umabot sa bulsa ng bawat pasahero.

Patuloy ang paninindigan para sa kapakanan ng publiko, dahil sa bawat desisyon, bawat isa mahalaga. β˜οΈπŸ’™

44th Regular Session of the 10th Sangguniang PanlungsodMuling nagtipon ang Sangguniang Panlungsod para sa ika-44 na regu...
06/05/2026

44th Regular Session of the 10th Sangguniang Panlungsod

Muling nagtipon ang Sangguniang Panlungsod para sa ika-44 na regular na sesyon kung saan patuloy na naipapahatid ang mga programang direktang nakakatulong sa mga barangay.

Nagkaloob ng grasscutter sa Brgy. Sta. Rita bilang suporta sa kanilang patuloy na pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan. 🌿

Bukod dito, nabigyan din ng mga monoblock chairs ang Brgy. Ibaba East na magsisilbing gamit sa iba’t ibang aktibidad at pagtitipon sa komunidad. πŸͺ‘

Sa bawat pulong, malinaw ang layunin, hindi lang pag-uusap, kundi konkretong aksyon para sa kapakanan ng mamamayan.

GOOD MORNING, CALAPEΓ‘OS! β˜€οΈIsang panibagong umaga na naman ang sumalubong sa atin, punong-puno ng pag-asa, bagong pagkak...
04/05/2026

GOOD MORNING, CALAPEΓ‘OS! β˜€οΈ

Isang panibagong umaga na naman ang sumalubong sa atin, punong-puno ng pag-asa, bagong pagkakataon, at inspirasyon para magpatuloy. Nawa’y simulan natin ang araw na may ngiti, determinasyon, at malasakit sa isa’t isa.

Patuloy po tayong magsisikap upang maibigay ang serbisyong tapat, maayos, at tunay na maaasahan para sa bawat CalapeΓ±o. Ingat po tayong lahat at nawa’y maging produktibo ang ating araw! πŸ’™

Pinangunahan po ng inyong lingkod ang isinagawang committee hearing kaugnay ng proposed ordinance instituting and implem...
29/04/2026

Pinangunahan po ng inyong lingkod ang isinagawang committee hearing kaugnay ng proposed ordinance instituting and implementing the registration of ownership of agricultural machinery and equipment within the territorial jurisdiction of the City of Calapan. πŸ’™

Layunin ng panukalang ito na magkaroon ng mas maayos na talaan at regulasyon sa paggamit ng mga makinaryang pang-agrikultura upang mas mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga magsasaka at mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lungsod. 🌾

Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, patuloy nating isinusulong ang mga programang magbibigay ng mas episyenteng serbisyo at pangmatagalang benepisyo para sa ating mga kababayan, isang patunay ng serbisyong maaasahan para sa bawat Calapeño. 🀝

Puno ng sigla at positibong enerhiya ang pagsisimula ng linggo sa ginanap na flag ceremony sa City Hall Complex, sa pang...
27/04/2026

Puno ng sigla at positibong enerhiya ang pagsisimula ng linggo sa ginanap na flag ceremony sa City Hall Complex, sa pangunguna nina City Mayor Doy Leachon at City Vice Mayor Bim Ignacio, katuwang ang 10th Sangguniang Panlungsod, mga department heads, at mga kawani ng lokal na pamahalaan. πŸ‡΅πŸ‡­

Bahagi rin ng programa ang pagkilala at pagbibigay-insentibo sa mga paaralang nagpakitang-gilas sa Kalap Festival Street Dancing Competition. Itinanghal na kampeon ang Oriental Mindoro National High School, pumangalawa ang Managpi National High School, at pumangatlo ang Pedro V. Panaligan Memorial National High School. Nagdagdag rin ng suporta si 1st District Cong. Arnan Panaligan bilang pagkilala sa talento at dedikasyon ng kabataan.

Pinarangalan din ang mga kalahok sa iba’t ibang kategorya gaya ng Best Costume, Best in Street Dance, at Most Disciplined Contingent, patunay ng husay, disiplina, at puso ng ating mga estudyante. 🧑

Lalong pinatingkad ang programa sa makulay na pagtatanghal ng Gatekeepers Crew na patuloy na nagbibigay karangalan sa Calapan, at nakatakdang kumatawan sa bansa sa World Dance Summit 2026 sa California, USA. πŸ•Ί

Isang makabuluhang simula ng linggo, puno ng pagkilala, inspirasyon, at pagmamahal sa ating lungsod at sa bawat CalapeΓ±o. πŸ’™

Address

Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehal RC Concepcion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Konsehal RC Concepcion:

Share