City Health-Environmental Sanitation Section - CHESS

Directions

City Health-Environmental Sanitation Section - CHESS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Health-Environmental Sanitation Section - CHESS, Government Organization, Guinobatan, Calapan City, Calapan.

This page is created to promote, recognized the tremendous effort of barangays in Anti-Dengue Awareness and advocate Environmental Health concerns in Calapan City

BABALA:     Ang sertipikasyong ito ay mahalaga, ito po ay isang dukomento na nagpapatunay na ang pinagkalooban nito ay n...
05/10/2026

BABALA:

Ang sertipikasyong ito ay mahalaga, ito po ay isang dukomento na nagpapatunay na ang pinagkalooban nito ay nagsumite ng lehitimong resulta at eksaminasyon pangmedikal, na nagpapatunay na walang sakit na may kinalaman sa pagkain na pwedeng maihawa. May lagda ng nagberipika at may pahintulot ng opisyal ng City Health.

Ang sinumang magpapalsipika o mag babago ng mga datus na nakasaad sa dokumentong ito ng walang pahintulot ay maaaring makasuhan at managot sa batas.

25/09/2026
June 20, 2026 Oriental Mindoro Sanitation Inspectors and Sanitary Engineers Association (OMSIEA) Installation of toilet ...
21/06/2026

June 20, 2026 Oriental Mindoro Sanitation Inspectors and Sanitary Engineers Association (OMSIEA)

Installation of toilet facility at Tauga Diit, San Vicente, Roxas, Oriental

Ang pagiging sanidad ay hindi natatapos sa pagbibigay ng permit, pagbibigay ng kaalaman sa Kalinisan, pagsiyasat sa mga establisyemento, paggawa ng report, at marami pang iba. Higit sa lahat, ang pagtulong sa mga higit na nangangailangan upang makaramdam ng konting ginhawa na may kaugnayan sa pagpapaibayo ng kalikasan ang mas dapat bigyan ng pansin.

Hindi madali ang trabaho namin, pero kung kinakailangan tumawid ng ilog, umakyat sa bundok, lumakad sa bangin ay gagawin namin para sa adhikaing magbibigay ng kapakinabangan ng mga nasa nayon.

Isang masayang karanasan na hindi malilimutan. Sana ay nakapagbigay kami ng kaginhawaan sa komunidad nyo. Maraming salamat po sa maalab na pagtanggap. Isang karangalan na makasama kayo. Salamat Sir Mario Castillo sa pag imbita mo at sa mga magigiting nating kasamahan sa OMSIEA🫶👏👏

Ang inyong pangulo ng OMSIEA 🫶

Photos credit to my colleagues 🫶

June 15, 2026 Asean Dengue DayIto ang ilan sa mga pictures ng pagpapakita ng suporta ng Lungsod ng Calapan sa pangunguna...
16/06/2026

June 15, 2026 Asean Dengue Day

Ito ang ilan sa mga pictures ng pagpapakita ng suporta ng Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Doy Leachon kasama ang CENRD sa kampanya laban sa Dengue.

Kami po ay lubos at taus-pusong nagpapasalamat sa agarang pagtugon sa aming panawagan. Sana po ay hindi dito natatapos ang ating laban, bagkus ay maging simula ito ng bisyo natin sa pagiging malinis na paligid.

Muli maraming maraming Salamat po. 🫶
KApag Malinis Barangay ay Susulong! Power! (Ka-MBS po)

ASEAN Dengue Day 2026 | Citywide Linis LungsodBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ASEAN Dengue Day 2026, inaanyayahan ang...
11/06/2026

ASEAN Dengue Day 2026 | Citywide Linis Lungsod

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ASEAN Dengue Day 2026, inaanyayahan ang lahat na makilahok sa Citywide Linis Lungsod sa Hunyo 15, 2026, ganap na ika-4:00 ng hapon, bilang bahagi ng sabayang Regional Clean-Up and Dengue Breeding Site Destruction Day sa buong MIMAROPA.

Layunin ng aktibidad na mapanatiling malinis ang ating mga komunidad at mapuksa ang mga posibleng pamugaran ng lamok na nagdadala ng dengue. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagsunod sa kampanyang 4Ts—Taob, Taktak, Tuyo, at Takip—maiiwasan natin ang pagdami ng mga lamok at mapoprotektahan ang kalusugan ng bawat pamilyang Calapeño.

Hinihikayat ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, barangay, paaralan, organisasyon, at mga mamamayan na maging bahagi ng gawaing ito. Ang bawat nalilinis na bakuran, bawat naaalis na naipong tubig, at bawat mamamayang nakikilahok ay mahalagang hakbang tungo sa isang ligtas at malusog na komunidad.

Magkaisa tayo sa paghahanap at pagsira sa mga dengue breeding sites, pagkontrol sa populasyon ng lamok, at pagpapalaganap ng kamalayan laban sa dengue.

United for a Dengue-Free MIMAROPA!
Towards Zero Dengue Death by 2030!
Maraming salamat po!

Hunyo 4, 2026 Targeted Indoor and Outdoor Spray (TIRS and TORS) activityNgayong araw, ang huling schedule ng aming pag-s...
06/06/2026

Hunyo 4, 2026 Targeted Indoor and Outdoor Spray (TIRS and TORS) activity

Ngayong araw, ang huling schedule ng aming pag-spray sa mga piling paaralan na masasabi nating hotspots. Ang EHS po ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng paaralan na tumugon at nakiisa upang maging maayos ang gawaing ito. Lalo't higit sa pamunuan ng DepEd Calapan City - Community Vocational High School Main Campus sa pamumuno ni Madam Romero na Natatanging Paaralan na tumugon sa aming kahilingan na magkaroon ng katulong sa pag-I-spray. Ang gawaing ito po ay hindi madali kaya lubos po kaming nagpapasalamat at kinikilala ang inyong konsidersyon.

Muli po ay maraming salamat po sa inyong lahat.

May 25, 2026Oriental Mindoro National High SchoolDahil malapit na muli ang pasukan, isang programa ng Environmental Heal...
26/05/2026

May 25, 2026
Oriental Mindoro National High School

Dahil malapit na muli ang pasukan, isang programa ng Environmental Health and Sanitation Section - Vector borne, ang magsagawa ng Targeted Indoor and Outdoor Spraying o TIRS / TORS sa mga paaralan. Sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office. Layunin nito na mapuksa ang mga lamok gayundin ang mga pinamumugaran nito. Ang bisa ng gamot ay tumatagal ng 6 na buwan.

Address

Guinobatan, Calapan City
Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health-Environmental Sanitation Section - CHESS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share