18/02/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ข๐๐ข๐๐ฌ ๐๐ข๐ซ๐๐ฅ ๐๐ฉ๐ฉ๐ซ๐๐ก๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ
Kaugnay ito ng kumakalat na video sa social media, particularly sa Facebook, tungkol sa pagkaka-apprehend ng isang indibidwal na kilala online bilang โSir Leoโ noong February 16, 2026, bandang 6:25 ng umaga sa Calapan City.
Base sa Official Incident Report and body-worn camera footage ng apprehending officer from LTO Calapan District Office, pinara ang sasakyan dakong 6:20 ng umaga sa Barangay Bayanan II, Calapan City, Oriental Mindoro bilang bahagi ng routine enforcement operation sa lugar.
Sa initial approach, maayos at magalang na nakipag-ugnayan ang apprehending officer sa driver. Pinayuhan ng apprehending officer ang front-seat passenger na isuot ang seatbelt habang umaandar ang sasakyan, alinsunod sa umiiral na road safety regulations na mandatory ang paggamit ng seatbelt para sa driver at passenger. Base sa body camera recording, ang paalala ay ibinigay sa mahinahon at professional na paraan.
Matapos nito, at bilang bahagi ng standard operating procedures, hiniling sa driver ang Official Receipt at Certificate of Registration (OR/CR) ng sasakyan at ang valid driverโs license nito. Hindi nakapagpakita ang driver ng physical driverโs license card o electronic driverโs license na maaaring ma-access sa official LTO portal sa oras ng inspection.
Dahil dito, nag-issue ang apprehending officer ng Temporary Operatorโs Permit (TOP) para sa paglabag sa Section 1(a) ng Joint Administrative Order (JAO) 2014-01. Ang pag-iisue ng TOP ay isinagawa alinsunod sa enforcement guidelines.
Sa parehong araw, nag-post si โSir Leoโ sa kanyang social media account at nagpahayag ng puna laban sa LTO Calapan District Office, kabilang ang alegasyon ng discourtesy at unethical behavior mula sa apprehending officer. Iginiit din niya na napahiya umano ang kanyang asawa nang sabihan itong magsuot ng seatbelt.
Masusing sinuri ng LTO MIMAROPA Region ang kabuuan ng body camera footage kaugnay ng insidente. Batay sa nasabing recording, walang nakitang anumang asal na maaaring ituring na bastos, mapanlait, o unprofessional. Ang paalala hinggil sa seatbelt ay bahagi ng mandates ng LTO na tiyakin ang safety ng lahat ng road users. Wala ring narecord na pagtaas ng boses, paggamit ng hindi angkop na pananalita, o anumang unethical na pag-uugali mula sa apprehending officer.
Kinikilala ng LTO MIMAROPA Region ang mahalagang papel ng social media sa pagpapahayag ng saloobin ng publiko. Gayunpaman, pinaaalalahanan ang netizens or ang public na gamitin ang kanilang mga platform nang may pag-iingat. Ang freedom of expression ay may kaakibat na obligasyon na tiyakin na ang impormasyong ibinabahagi ay tama, kumpleto, at hindi nakasisira sa reputasyon ng sinumang indibidwal o institusyon nang walang sapat na batayan. Ang hindi verified accusations ay maaaring magdulot ng pagkalito at makaimpluwensya sa pananaw ng publiko nang hindi nakabatay sa buong context ng pangyayari.
Patuloy ang LTO MIMAROPA Region sa pagpapatupad ng land transportation laws, rules, and regulations nang may professionalism, integrity, at paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan. Bukas ang LTO MIMAROPA Region sa anumang pormal na reklamo sa pamamagitan ng tamang administrative process upang matiyak na ang lahat ng panig ay mabibigyan ng pagkakataong marinig at masuri alinsunod sa umiiral na regulations.
Sa usapin ng public discourse, naninindigan ang LTO MIMAROPA Region na "transparency is upheld, but accountability remains shared."