27/04/2026
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐! ๐งก
Pinangunahan ngayong araw ni City Mayor Doy Leachon, 10th Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni City Vice Mayor Bim Ignacio, mga department heads at mga kawani ng pamahalaang panlungsod ang weekly flag ceremony ngayong umaga sa City Hall Complex. ๐ต๐ญ
Sa parehong seremonya ay iginawad din ng City Government ang mga cash prizes para sa mga delegasyon na nagwagi at nakiisa sa nagdaang Kalap Festival Street Dancing Competition. Kampeon dito ang Oriental Mindoro National High School na nakatanggap ng Php 150,000, Managpi National High School na mag-uuwi ng Php 100,000, at Pedro V. Panaligan Memorial National High School na magkakaroon ng Php 75,000. ang kanilang mga cash prizes ay dinagdagan pa ni 1st District Cong. Arnan Panaligan ng tig-Php 50,000. Ang iba pang nakiisang paaralan ay meron ding Php 10,000 mula sa City Government at additional Php 25,000 mula kay Cong. Panaligan. โจ
Gayundin ay kinilala din ang ilang nagwagi ng special awards sa kumpetisyong ito. Napanalunan ng OMNHS ang Best Costume na may premyong Php 20,000, samantalang Best in Street Dance at Most Disciplined Contingent at Managpi NHS, na may cash prizes na Php 20,000 at Php 10,000 respectively. ๐บ
Naghandog din ng espesyal na pagtatanghal ang dance group na Gatekeepers Crew, na ibinandera ang lungsod sa World of Dance Philippines, at ngayo'y irerepresenta ang bansa sa parating na World Dance Summit 2026 sa Anaheim Convention Center sa California, USA sa July 7-10, 2026. ๐บ