05/09/2026
πππ ππβππππππππ πππππππ πππππππ, πππππππππππ πππ ππππππππππππ ππ πππππ πππππ ππ π
πππ ππππ πππ
Noong Setyembre 4, 2026, matagumpay na nagsagawa ng seaborne patrol operation ang mga tauhan ng Oriental Mindoro Maritime Police Station (MARPSTA), sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL BENJAMIN H USMAN, OIC, RMU 4B, katuwang ang Pinamalayan MPS at Bantay Dagat Pinamalayan, sa karagatang sakop ng Pinamalayan, Oriental Mindoro. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaka-intercept sa isang motorized fishing banca na may markang βJ-Mβ at pagkakahuli sa mga mangingisdang aktwal na nangingisda gamit ang fine mesh net, humigit-kumulang 700 metro mula sa dalampasigan ng Brgy. Lumangbayan, Pinamalayan, Oriental Mindoro, na malinaw na paglabag sa Section 93 (Use of Fine Mesh Net) ng Republic Act No. 10654.
Maliban sa motorized fishing banca na may markang βJ-M,β nakumpiska rin ang isang Greenfield 20HP engine, isang set ng fishing net o fine mesh net, at humigit-kumulang tatlong (3) kilo ng mga nahuling isda, na may tinatayang kabuuang halaga na PhP131,300.00.
Ang mga nahuling mangingisda, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, ay pansamantalang dinala sa Oriental Mindoro MARPSTA, Sitio Dalapian, Brgy. Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro, para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon, gayundin sa paghahanda ng kaukulang administrative complaint na ihahain sa BFAR Regional Office MIMAROPA.
Patuloy na isinusulong ng RMU 4B, katuwang ang mga law enforcement agencies at maritime stakeholders, ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas pangisdaan upang mapangalagaan ang yamang-dagat at maihatid ang tapat, mabilis, at nararamdamang serbisyo sa mamamayan.
:SerbisyongMabilisTapatatNararamdaman