RoTaplays

RoTaplays Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RoTaplays, Camilmil, Calapan.
(1)

20/03/2026

RAN Online : Warborn Afternoon Grind

19/03/2026

Early Grind sa Warborn 🀣

01/11/2025

π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π——π—œπ—₯π—˜π—–π—§π—’π—₯ π—‘π—š π—Ÿπ—§π—’ 𝗦𝗔 π— π—œπ— π—”π—₯𝗒𝗣𝗔 π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—‘π——π—œπ——π—’ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—¨π—Ÿπ—”π—§ π—‘π—š π—žπ—”π—§π—œπ—ͺπ—”π—Ÿπ—œπ—”π—‘

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang regional director sa MIMAROPA habang iniimbestigahan ang mga paratang ng katiwalian laban sa kanya.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, inatasan ni LTO Secretary Markus Lacanilao ang agarang pagbabalik ng naturang opisyal sa central office sa Maynila bilang bahagi ng β€œmalawakang anti-corruption effort” ng ahensya upang linisin ang hanay ng mga tauhan nito.

Batay sa mga reklamo, hinihingan umano ng P50,000 kada buwan ng mga tauhan ng opisyal ang ilang aplikante kapalit ng mabilis na pagproseso ng kanilang mga dokumento. Isang nagreklamo pa ang nagsumite ng resibo mula sa money remittance bilang ebidensya.

β€œAyon sa paunang imbestigasyon, karaniwan nilang pinatatagal ang mga aplikasyon sa Regional Office upang mapilitang magbayad ang aplikante ng P50,000 bawat buwan,” pahayag ni Lacanilao.

Bukod dito, humaharap din ang opisyal sa mga reklamo mula sa mga transport group na nagsasabing humihingi umano ito ng P7,000 bawat sasakyan upang maiwasan ang masusing pagsusuri ng dokumento o pag-flag ng mga violation.

Nadiskubre rin ni Lacanilao sa kanyang inspeksyon sa tanggapan ng LTO-MIMAROPA ang ilang kakulangan tulad ng mabagal na serbisyo sa publiko at mga sirang upuan sa waiting area.

Matagal nang inirereklamo ang LTO dahil sa mga fixer at suhol na laganap sa mga tanggapan nito sa buong bansa. Madalas umanong may naniningil ng lagay upang mapabilis ang serbisyo o makaiwas sa aberya sa proseso.

Binigyang-diin ni Lacanilao na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng katiwalian at tiniyak na paiigtingin pa ang mga reporma upang maibalik ang tiwala ng publiko sa LTO.

Address

Camilmil
Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RoTaplays posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to RoTaplays:

Share