25/10/2026
๐ธ IN PHOTOS | STATE OF THE BARANGAY ADDRESS (SOBA) โ 2ND SEMESTER 2026
Bilang bahagi ng Barangay General Assembly โ 2nd Semester 2026 ng Barangay San Antonio inilahad ni Punong Barangay Hon. Baby Doris Manalo Corcuera ang kanyang State of the Barangay Address (SOBA), kung saan ibinahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto, at serbisyong naipatupad at patuloy na isinusulong ng pamahalaang barangay.
Kabilang sa mga tinalakay ang Damayan Program, isang programang nagbibigay-diin sa pagtutulungan, malasakit, at pagkakaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kabarangay.
Sa pamamagitan ng ulat na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga residente na malaman ang mga nagawa ng barangay, ang mga kasalukuyang programa, at ang mga planong patuloy na isasakatuparan para sa ikabubuti ng ating pamayanan.
Ang SOBA ay mahalagang bahagi ng pagsusulong ng transparency, pananagutan, at bukas na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaang barangay at ng mga mamamayan.
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating General Assembly. Patuloy tayong magtulungan at magkaisa tungo sa isang mas maayos, ligtas, at maunlad na Barangay San Antonio!
Sa pangunguna ni Kap Doris, patuloy ang serbisyong may malasakit para sa bawat kabarangay! โค๏ธ