03/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐. ๐๐๐-๐๐
๐๐ฎ๐ง๐ ๐, ๐๐๐๐ (๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐๐ฒ)
๐๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ญ๐๐๐จ, ๐๐๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ โฑ๐.๐-๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ง๐ ๐๐ก๐๐๐ฎ ๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ฆ ๐๐ ๐๐-๐๐ซ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฌ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ฆ๐ฉ ๐๐๐๐ง ๐๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ ๐. ๐๐ข๐ฆ โ Umabot sa 41 indibidwal ang naaresto at 343.63 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang Dangerous Drugs Board (DDB) value na โฑ2,336,664.00 ang nasamsam sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng Police Regional Office 4A sa loob ng 24 oras, mula alas-6:00 ng umaga ng Hunyo 2 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Hunyo 3, 2026.
Ayon sa PRO 4A, nagsagawa ang ibaโt ibang operating units ng 28 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga drug personalities at pagkakasamsam ng malalaking halaga ng ilegal na droga sa rehiyon.
Sa Lucena City, naaresto ang High Value Individual (HVI) na si alyas โArchieโ at Street Level Individual (SLI) na si alyas โRobinsonโ sa buy-bust operation ng Lucena Component City Police Station, Quezon MARPSTA, at RIU 4A PIT North Quezon sa Barangay Ibabang Iyam noong madaling araw ng Hunyo 3, 2026.
Nakumpiska ang humigit-kumulang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na โฑ1,020,000.00, kasama ang sling bag at buy-bust money. Kinasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165.
Sa Lucban, Quezon, naaresto rin ang HVI na si alyas โJianโ sa operasyon ng Municipal Drug Enforcement Team ng Lucban Municipal Police Station sa Barangay Ayuti noong Hunyo 2, 2026.
Nakuha mula sa kanya ang 54 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang โฑ367,200.00, kasama ang digital weighing scale at drug paraphernalia.
Samantala, sa Cainta, Rizal, tatlong High Value Individuals na kinilalang sina alyas โDan,โ โJohn,โ at โIanโ ang nadakip ng Station Drug Enforcement Team ng Cainta Municipal Police Station sa buy-bust operation sa Barangay San Andres noong Hunyo 2, 2026. Nasamsam mula sa mga suspek ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na โฑ680,000.00, kasama ang pouch at buy-bust money.
Ang mga nasabing operasyon ay bahagi ng tuloy-tuloy na pinaigting na kampanya ng PRO CALABARZON laban sa ilegal na droga, na nagresulta sa sunod-sunod na matagumpay na operasyon sa rehiyon sa loob ng 24 oras.
Nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Binigyang-diin ni Regional Director, PBGEN Hansel M Marantan na ang mga operasyong ito ay patunay ng matatag na paninindigan ng PRO 4A sa kampanya kontra ilegal na droga alinsunod sa mandato ng Philippine National Police at sa Focused Agenda ni Chief, PNP, PGen Jose Melencio C Nartatez Jr.
โHindi kailanman titigil ang kapulisan ng CALABARZON sa pagtupad sa kanilang tungkulin upang panagutin ang mga lumalabag sa batas. Walang puwang sa ating rehiyon ang ilegal na droga, at patuloy naming poprotektahan ang ating mga komunidad,โ pahayag ni PBGEN Marantan.
Patuloy na hinihikayat ng PRO CALABARZON ang publiko na makiisa at magbigay ng impormasyon upang mapalakas pa ang kampanya kontra kriminalidad sa rehiyon. (RPIO4A)
Authority: PBGEN HANSEL M MARANTAN
Regional Director, Police Regional Office 4A
PLTCOL MILANY E MARTIREZ
C, RPIO
Contact Nos. Tel: 09270220569
Website http://www.pro4a.pnp.gov.ph/
page: PRO4A Regional Public Information Office