19/06/2026
๐ญ๐ฒ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐ฟ๐๐ต ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฟ. ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฃ. ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ๐ต, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐
Nakiisa ang Mabato Elementary School sa pagdiriwang ng ๐๐ ๐- 165 ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐ง๐จ๐๐ง๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐ง. ๐
๐ค๐จ๐ ๐. ๐๐๐ฏ๐๐ก, ang ating pambansang bayani, na ginanap sa Mabato National High School ngayong Hunyo 19, 2026, ganap na ika-7:00 ng umaga.
Ang programa ay pinangunahan ng Mabato National High School Teaching Force sa pamumuno ni ๐๐'๐๐ข ๐พ๐๐ฎ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ก๐๐๐ฃ๐๐๐ค at dinaluhan ng mga g**o mula sa Mabato Elementary School sa pangunguna ni ๐๐'๐๐ข ๐ฟ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ง๐ฎ๐ก ๐ผ๐ฃ๐ฃ๐ ๐. ๐๐๐ฃ๐๐๐, mga non-teaching personnel ng dalawang paaralan, mga opisyal ng barangay, mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Alkalde at Bise Alkalde, mga opisyal ng PTA, YES-O, SELG, SSLG at BKD officers, at iba pang mga panauhin.
Sa pagdiriwang na ito, muli nating ginunita ang buhay at mga dakilang ambag ni Dr. Jose P. Rizal, isang huwaran ng karunungan, katapangan, at pagmamahal sa bayan. Sa pamamagitan ng kanyang mga akda, adhikain, at mapayapang pakikibaka para sa kalayaan, naging inspirasyon siya sa bawat Pilipino upang pahalagahan ang edukasyon, ipaglaban ang katotohanan, at magsilbi nang tapat para sa kapakanan ng bansa.
Ang pagsasariwa sa kanyang kapanganakan ay hindi lamang pag-alala sa kanyang buhay kundi pagpapatuloy din ng kanyang mga adhikain at pagpapahalaga. Nawaโy magsilbing gabay sa ating mga mag-aaral at sa buong komunidad ang kanyang halimbawa upang maging responsable, makabayan, at may malasakit sa kapwa.
โAng kabataan ang pag-asa ng bayan.โ Nawaโy manatiling buhay sa ating mga puso ang mga aral at inspirasyong iniwan ni Dr. Jose P. Rizal para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.
Mabuhay ang diwa ni Dr. Jose P. Rizal! ๐ต๐ญ